CHAPTER 9: GETTING TO KNOW EACH OTHER (Gerard Kenny)

124 3 0
                                    

>>> CARRIEDO

"Basics muna tayo," ani Rodney, "general information."

"Ahm, paano 'yun?"

"Sige ako na magsimula. Rodney Kaiser dela Torre. Nakatira ako sa may 4th Avenue. Nagtatrabaho ako as secretary ng isang VP ng isang school. Boring, hehe. Gitna sa tatlong magkakapatid. Graduate ako ng BS Psychology sa CEU. Ano pa ba? Birthday ko April 15. Twenty-three years old ako. Filipino. Roman Catholic. Haha. Hmm. Single, hahaha. Generally masayahin, pero hayun nga, meron 'ata akong neurosis na dapat i-control. Ahh. Wala na ko maisip. Ikaw naman."

"Ah... Okay... Jeremy John Alejandro"

"Wow, okay ang name mo. Astig. Kaya pala Jayjay."

"Sa Monumento ako nakatira. Medtech ako sa isang diagnostic clinic sa may Baclaran. Boring din. Puro tae lang kinakausap ko. Siyempre, nag-medtech ako nung college. Sa EAC ako grumaduate. Anu-ano pa ba ang sinabi mo kanina? December 08 ang birthday ko at twenty-two na ko. Pilipino rin. Katoliko. Lahat naman ng tao sinasabi masayahin sila, kaya makikisali na lang ako. So, far tingin ko okay naman pag-iisip ko."

"Meron ka pang nakalimutang banggitin, Jay."

"Ano?"

"Single ka ba?" nakatingin siya sa'kin. Matagal.

"Tumingin ka sa kalsada," saway ko.

Humarap siya sa kalsada, "ano'ng sagot?"

"Oo. Single."

>>> DOROTEO JOSE

"D. Jose na," sabi ni Rodney, "ikaw naman mag-isip ng topic. Salit tayo."

"Gano'n ba? Ahmm..." Nag-isip muna ako, "ah. 'Eto na lang. Paano ka naging bokalista ng banda namin?"

"Sinulot ako ni Sonny sa huli kong banda," natatawa niyang sagot.

"Paanong sinulot?"

"Nanonood siya nu'ng battle of the bands na sinalihan nung dati kong banda last month. Tapos hayon nga narinig niya banda ko. Eh, medyo may problema 'yung banda ko. May artistic differences kasi. 'Yung drummer galing sa reggae band, 'yung gitarista galing sa heavy metal, 'yung basista sa jazz band. Kaya walang harmony 'yung tunog namin. Talo na naman kami."

"Tapos?"

"Nilapitan ako ni Sonny after the contest. Akala ko nga 'nung una bi siya at magpapakilala."

"Asa."

"Hayun nga, kinuwento niya na may banda nga siya na walang bokalista. At talagang pinagpipilitan niyang magaling kayo. Kaya nung inaya niya akong manood ng ensayo pumunta ako. So, far sa limang bandang nasalihan ko, kayo ang pinakamagaling at consistent. Tapos daw sabi nila may Keyboardist nga daw na magaling din at kompositor."

Tumigil siya at ngumiti sa akin.

"Okay..."

"At ang gusto ko sa lahat, meron talaga silang--- I mean, kayo na balak na mag-mainstream at magka-album at hindi gigs gigs lang. Pangarap ko din 'yon, eh."

"Kaya nga umayos ka," mariing paalala ko sa kanya.

Tumawa siya.

>>> BAMBANG

"Paano naging 'Lightning Train Commuters' ang pangalan ng banda niyo?" ang bagong topic na binuksan ni Rodney.

"Ah, 'yon? Wala, nothing special. Nu'ng college pa lang kami at nagbabanda, lagi kaming sabay-sabay na nag-e-LRT papunta sa pinagpapraktisan natin na garage band."

The Lightning Train Commuters BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon