CHAPTER 14: HOLD ON (Good Charlotte)

123 4 0
                                    

Mahirap ipaliwanag ang pakiramdam ko nang binatawan ni Rodney ang mga huling kataga. Nagtaasan lahat ng balahibo ko. Parang may isang malamig at makuryenteng hangin ang humagip sa katawan ko. Para akong nakakita ng multo. Nagre-race ang heartbeat ko. Sandaling nalagutan ako ng hininga.

Sumisigaw ang isip ko, "anong pinagsasasabi mo, Rodney?!" Pero walang lumalabas sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Nakapamuglat. Nakanganga. Nanatili akong frozen. Ang mga kamay ko't daliri ay naninigas na nakapatong sa mga tiklado.

Siya naman ay nakatingin lang din sa akin. Halong pagtataka, pagkabahala at pag-aalala ang laman ng tingin niya. Parang binabasa niya ako. Ganyan siya lagi makatingin. Kung hindi nakangising nang-aakit, laging parang sinisipat ang buo kong pagkatao.

"Did you ever consider hurting yourself, Jayjay?" mariin niyang tinanong.

At bumalik na ang ulirat ko.

"HELL NO!" bulalas ko, "hindi ako suicidal, Rodney!"

"Hindi mo kahit kalian naisip ang mamatay prematurely through your own means?"

Hindi ako nakasagot agad. Naisip ko na bang magpakamatay? Oo. Madami na rin akong napagdaanang hirap na parang gusto kong takasan. Nang bumagsak ako sa algebra at biology. Nang ma-office ako dahil sa cheating. Nang manakaw sa akin ang pot money para sa Christmas Party ng diagnostic clinic last year. Isang araw bago ang MedTech board exam. Nang mamatay ang Mama ko.

"Oo, pero hindi ba tayo lahat ginustong mamatay once in a while? Saka puro isip lang naman 'yon. Hindi ko naman ginagawa. Kahit attempt nga, eh."

"Nasabi ko na sa'yo na I think you're very lonely and sad, 'di ba?"

Bumuntong hininga ako, "eh, hindi nga ako malungkot!"

"Bahala ka. Basta sinasabi ko sa'yo. You have suicidal tendencies. A great one at that."

"Rodney, hindi na nakakatawa!"

"Oo, alam ko. Kinikilabutan ka 'di ba? Ang suicidal ideation lumalabas sa artwork ng tao. Painting, poems, prose at sa case mo, songs."

"Adik ka, Rodney!"

"Oo, may pagkamanyak at pagkalokoloko ako, pero may pinag-aralan ako Jayjay sa field na 'yan. Sinasabi ko 'to sa'yo ngayon Jayjay, para malaman mo na maaaring mangyari sa'yo 'yan. Para maiwasan mo kapag dumating ang panahong makuha mo ang compulsion na hiwain ang braso mo."

Tinitigan ko siya ng masama. Parang gusto ko siyang sapakin dahil sa mga paratang niya. Gusto ko siyang sigawan kahit na nasa teritoryo niya pa ako.

Pero may pumipigil sa akin. Pumipigil sa akin ang katotohanang hindi ko matanggap na maaaring tama si Rodney sa lahat ng sinasabi niya. At hindi ko matanggap na siya, of all people, ang nagsasabi ng mga ito sa akin.

Tinapos ni Rodney ang titigan at magpakawala ng malalim na hininga, "sorry Jay kung naging sobrang upfront ako. Nararamdaman ko lang talaga na hindi ka gano'n kasaya. Na parang ang dami mong problema na hindi ma-solve-solve."

Tama na naman, Rodney... Tama na naman...

"Gusto ko lang malaman mo. At matanggap mo. Para hindi mo gawin. Awareness leads to prevention. Hold on when you feel like letting go. At ayoko rin na mawala ka--- sa banda."

Huh? Bakit may nasingit na gano'n?

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "hay Rodney, nakaka-enlighten man 'yang sinasabi mo, eh saka na ko magpapa-counsel sa'yo. May kanta pa tayong eensayuhin."

"Siyangapala, sorry. I was too pent up with psychoanalyzing you na nakalimutan kong sabihin... The song is beautiful. 'Yung tono. 'Yung feeling. 'Yung mga salita. Yes, may sex pero sobrang sub-text lang."

The Lightning Train Commuters BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon