CHAPTER 18: SHOW ME YOUR LOVE (Ken Zhou)

115 3 0
                                    

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pitong buzz ng doorbell.

At nagising na ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sinilip ko ang orasan sa kuwarto ko at nakitang pasado alas singko pa lang ng umaga.

"Sino naman kayang adik ang bibisita ng ganito kaaga?" asar kong bulong sa sarili ko.

Bumalikwas ako ng kama at humangos patungo sa pintuan ng aking apartment.

Pagbukas ko ng pinto, wala namang tao.

Pero sa doorstep ay may isang plastic na may laman na karton sa loob. Pinagmasdan ko ang hitsura ng harapan ng balot. Bubuyog na pula.

Jollibee C1, one piece chicken meal. Kinuha ko ang karton mula sa loob. Binuksan ko iyon at naamoy ang halimuyak ng Chicken Joy at gravy. Mainit-init pa.

Nagulat ako nang nakita kong may nakasulat na pentel pen sa may loob na parte ng lid ng karton nang binuklat ko ito

May lahi ka bang keyboard? Kasi type kita! Eat well Jayjay. :-)

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Pauwi galing ensayo.

"Ilang beses ako na-flat kanina?" tanong ni Rodney habang papauwi na kaming dalawa.

Kumunot ang noo ko, "huh? Tingin mo maaalala ko 'yon?"

"Kahit approximate lang..."

Napaisip ako sandali. "Siguro out of twelve times na naulit ang kanta, mga lima do'n may flat ka."

"Ah, gano'n ba? Wait lang." Hinalughog niya ang harap na bulsa ng backpack niya.

Naglabas siya ng mga maliliit na toblerone packs mula doon.

"Amin na kamay mo," sabi niya sa akin.

"Ano 'to?" Nilahad ko ang kanang kamay ko.

Isa-isa siyang naghulog ng mga dilaw na packs sa kamay ko, "One. Two. Three. Four. Five."

"Hoy, ano 'yan?" protesta ko.

"Chocolates. Lagi na kitang bibigyan niyan. Equivalent sa dami ng flat ko kapag may ensayo."

Magrereklamo na sana ako, pero bigla siyang nagsalita ulit.

"Kukunin mo 'yan, o ako ang kakain? Nakakasira 'yan ng boses."

Nagpatalo na ako sa pilyong ngiti niya.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

May nag-text.

Pustiso ka ba? Kasi I can't smile without you!

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Nitong huling battle of the bands, nanalo ulit kami. Champion.

After party na, at nakiki-mingle na ang lahat sa audience.

"Hey there!" tawag sa akin ng boses ng babae habang ako ay kumukuha ng drinks sa may bar.

Maganda siya. Kamukha ni Maui Taylor. Kailangan maka-iskor!

"Hey..."

"You're the guy sa may keyboard ng champion na banda tama?"

"Yeah, ako nga 'yon."

"Grabe, I love the way you guys did the Two Become One cover. Ang rock pero sexy ng dating."

"Thanks, katulong ako sa areglo no'n!" pagyayabang ko.

The Lightning Train Commuters BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon