>>> 5TH AVENUE
"Mommy, Papsy, si Coach Jayjay. Keyboardist namin sa banda," pagpapakilala sa'kin ni Rodney pagdating namin sa bahay nila.
"Good evening po," bati ko sa matandang mag-asawang nag-aabang sa pagpasok namin.
Pangkaraniwan ang laki ng bahay ng pamilya ni Rodney, pero nagulat ako kasi ang daming tao sa loob. Dalawang storey at mukhang above-average ang pamumuhay.
"Ay kaguwapo naman nitong kabanda mo," anang Mommy niya.
Inakbayan ako ni Rodney, "mukhang na-trip-an ka ni Mommy, hahanap-hanapin ka niyan."
Natawa lang ako.
Pinakilala niya sa akin ang lahat ng nandoon. Tatay niya, Nanay niya. Dalawa niyang nakatatandang kapatid at apat na nakababata.
"Ang dami niyo palang magkakapatid, pito?" sabi ko sa kanya.
"Oo nga, buti nga nakakaraos kami," sagot niya.
"Masaya?" Naalala ko kasing lumaki ako bilang isang anak ng nanay ko.
"Oo, siyempre naman."
Napansin ko ngang masaya sila bilang isang pamilya dahil naglalaro ng Lego ang apat niyang nakababatang kapatid sa sala at inaya nila si Rodney na makipaglaro.
"Mamaya na bunsoy, may ine-entertain akong bisita, oh," sabi ni Rodney sa mga ito.
"Sa'n ang organ?" tanong ko.
"Sa kuwarto namin ng kapatid kong isa, pero mamaya na. Mag aalas siyete na, oh. Kain na muna tayo."
"Hala, nakakahiya."
"Wala ka nang magagawa. Nandito ka na. Mabuti pa tikman mo luto ng nanay ko."
Wala na akong nagawa ng hatakin niya ako patungo sa dining area at pinaupo ako sa tabi niya sa harap ng mahabang mesa. Hindi nagtagal, ang ibang mga tao sa bahay ay nagsi-puntahan na sa hapag kainan.
Nagulat ako sa nakahain. Ang daming ulam! Adobong manok, inihaw na bangus, sinigang na hipon, at chopsuey.
"Bakit ang daming nakahain? May birthday ba?" bulong ko kay Rodney pagkatapos magdasal.
"Sabi ko maghanda at may bisita akong kabanda," sagot nito, "malay ko ba namang pang isang banda ang iluluto ng nanay ko."
"Para kasing may special occasion sa sobrang dami."
"Okay lang 'yun, special naman ang bisita," birong-tawa niyang sinabi, "kaya kainin mo lahat 'yan."
Adik na naman, Rodney.
Nagsimula na rin kaming kumain lahat.
"Akala naman kasi namin buong banda niyo ang dadating dito," anang Papsy niya, "na-excite lang kami kasi first time na magdadala ng kabanda dito si Rodney. Sa dami naman kasi ng bandang nasalihan niya noon, wala naman akong nakilala ni isa sa kanila."
Saglit akong napatingin kay Rodney habang kagat ang chicken drumstick.
"Naku, Rodney, baka lilipat ka na naman, napaka-fickle minded mo talaga," mala-sermon na bulalas ng Mommy niya, "mag-concentrate ka na lang sa trabaho mo kung 'di mo rin seseryosohin 'yang ginagawa mo. Hindi lahat ng tao katulad ng kuya mo na nagagawang hanap buhay ang musika."
Inakbayan ulit ako ni Rodney, "hindi Mommy. Magaling 'tong bandang 'to. Puro henyo ang mga nando'n. Lalo na 'tong si Coach Jayjay. Hintayin niyo in a few months, mare-release na ang first single namin! 'Di ba Jay?"
Tumango lang ako, "opo."
Huwag ka naman masyado makaakbay diyan, Rodney... Hindi ako makakain!
BINABASA MO ANG
The Lightning Train Commuters Band
General FictionThe story and the songs used are not mine. It was all written by the author, Hallur. I just want to preserve this masterpiece of him :)