CHAPTER 33: I NEED LOVE (Laura Pausini)

102 3 0
                                    

Matagal lang kaming tahimik ni Rodney pagkatapos ng kuwento.

Umiiyak ako. Umaagos ang luha pero hindi humihikbi.

"Iyon ba ang dahilan kung bakit mo ginawa sa kanya ang ginawa mo kanina?"

Tumango ako. "Simula no'n wala na akong babaeng ginalang bukod sa nanay ko. Sinubukan ko ang lahat para mapabuti ang ayos ng katawan ko. Kahit hindi ko inaral, unti unti kong na-acquire ang skills para makapangkama at makapangloko ng babae."

"Forgive me, Jay. Pero I have a feeling na ang root cause ng problema mo ay nagste-stem beyond Rachel. Tingin ko marami pa."

"Ewan ko. Siguro. Tama ka sa sinabi mo Rodney. Malaki ang problema ko sa pagkatao ko."

"Nandito lang ako Jayjay, para makinig. Kapag handa ka na."

Tumitig ako sa mukha niyang nakangiti sa akin. Aminin ko man o hindi, na-miss ko talaga ang supportive niyang presensya.

"Salamat Rodney."

"Ano'ng gagawin mo kapag sinampahan ka niya ng kaso?"

"Bobo 'yun. Ni hindi niya siguro alam na rape ang ginawa ko sa kanya."

Natawa siya.

Nakatitig pa rin ako sa kanya.

Ngumisi siya. Parang gusto niyang sabihing, "namiss mo 'ko, 'no?" Pero mas nangingibabaw ang pagiging sikolohista niya.

"Ano'ng pumasok sa utak mo nang sinusugatan mo na ang braso mo?"

"Naisip ko Rodney, kung wala din naman akong saysay, eh 'di mawala na lang ako."

"This is against proper psychological treatment, pero Jayjay. Huwag mong iisipin 'yan. Dahil mula nang makilala kita, ikaw na ang saysay ng mundo ko..."

Sa unang pagkakataon. Ngumiti ako sa paglalambing niya nang hindi pinipigilan ang sarili ko.

"Rodney, ikaw? Ano ang ilalagay mo sa Johari's Window ko? Alam mo 'yun 'di ba?"

"Oo naman. Napag-aralan din namin 'yun."

Nag-isip muna si Rodney.

"Isa lang ilalagay ko Jayjay."

Kumunot ang noo ko.

"You are the sweetest psychological specimen I've ever seen Mr. Alejandro."

"Parang hindi naman 'ata magandang pakinggan 'yon."

"Well, I see it as good naman. Although siyempre dapat traits ang ilalagay natin. Pero saka ko muna sasabihin. Parang gusto muna kitang i-art therapy bukas. I mean, kung okay lang sa'yo."

Hindi ako nakasagot agad.

Nagpatuloy siya, "baka na naman kasi ayaw mo pa rin akong makita, saka---"

"Oo na, Rodney. Sige na. Punta ka na dito bukas. Basta therapy ang gagawin, huh."

"Yes, Coach."

"Ano na ngayon ang love para sa'yo, Jayjay?

Tumawa ako, "wala na. Manhid na ako. Hindi lang dahil kay Rachel. Sa marami pang dahilan. Ayoko nang umasa sa pag-ibig. Mabubuhay na lang ako ng sarili ko."

"Kinikinita ko ngang sasabihin mo 'yan. Teka..."

Kinuha niya ang PSP mula sa bulsa niya, at naglabas ng earphones. Binigay niya sa akin ang isa sa dalawang earphone at nilagay sa isang tainga ko, habang suot ang kapares sa isang tainga niya.

"May ipaparinig ako sa'yong kanta. Kapag feeling ko depressed ako pero walang lumalabas na luha, heto ang pinakikinggan ko para tuluyan kong ilabas ang kalungkutan ko."

Tapos tumunog na ang kantang sinasabi niya.

Malamyos na gitara ang unang humaplos sa aking ear drums.

Listen to the song to achieve a greater feel of the story. =)

"I'd cross the desert to be where you are...
All the things I'd do to be close to you...
A million miles wouldn't seem that far...
I'd go anywhere just to win your heart...
'But wherever this leads...
There's something I need..."

Nakaupo kaming magkatabi sa sofa. Dahan-dahan niya akong niyakap mula sa likod ko. Ipinatong niya ang kanyang baba sa isang balikat ko.

"I need love...
The kind that makes you wanna live...
The kind that makes you wanna breathe...
The kind that makes you feel too much...
And I need you...
To help me find a better way...
And I guess you never thought you'd hear me say...
I need love..."

Pagkatapos ng napakatagal na panahon naramdaman kong manlambot ang dibdib ko. Lalong bumigat ang namumugto kong mata. Umagos ang napakaraming luha. Napakaraming flashback ang dumaan sa utak ko. Nanginginig ang aking mga brasong hinahawakan niya. Parang unti-unting nagiging sinlambot ng marshmallow ang puso ko.

"Rodney?"

"Hmm?"

"Gusto kong makaramdam ulit. Gusto kong ma-experience na magmahal. Na masaktan. Na maging importante ang isang tao para sa akin. Na maging importante ako para sa isang tao. Na maging masaya. Maging malungkot. Gusto ko ng love. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula."

"Mahalin mo muna ang sarili mo, Jay."

"Ang hirap mahalin ng buhay ko."

"Sasamahan kita habang tinuturuan mo ang sarili mong mahalin ang mundo mo."

"Rodney, hindi ko alam kung kaya kitang maha----"

"Shh... This is not about me. Not about us. This is about you. Huwag mo muna akong isipin."

"Rodney, salamat."

"Huwag ka nang aalis, huh? Be with me. Bigay mo lang kung ano'ng makakaya mo. Hindi ko na kakayanin malayo sa'yo."

"Hindi na, Rodney. Pangako 'yan."

"Hindi therapeutic 'tong sasabihin ko sa sitwasyon. Pero Jayjay, mahal kita... I love you so much."

"Salamat Rodney. Blessed na blessed ako sa pag-ibig na binibigay mo. Saka... Saka..."

"Saka ano?"

"'Wag lalaki ulo, huh? Pero na-miss kita."

Tumawa siya, "sabi ko na, eh. Haha. Biro lang."

"Ulitin mo ulit 'yung kanta."

Niyakag niya ako.

"Puwede ba natin i-cover 'yang kantang 'yan sa banda?" natatawang suhestiyon ni Rodney.

"Sira ulo, hindi bagay sa boses mo 'yan," hirit ko sa gitna ng pag-iyak.

"Haha, subok lang naman."

"Hindi nga."

"Sige, sa'yo ko na lang kakantahin 'yan."

Inulit niya ang kanta. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat na beses. Hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng luha ko. Ngunit alam ko, sa bawat ulit ng kantang iyon, unti-unting nagbabago ang buhay ko. Alam kong bumubuti ang buhay ko sa bawat tipa bara ng awitin.

Lumuwag ang pagkakayakap niya. "Jayjay, naiihi ako, sandali."

Hinigpitan ko ang hawak sa braso niya. Hindi ko alam kung bakit.

"Huwag Rodney. Huwag kang umalis please."

Bumuntong-hininga siya sa batok ko, "sige Jay. Dito lang ako."

Hinigpitan niya ang yakap sa akin.

Damang dama ko ang bilis at lakas ng tibok ng puso niya mula sa likod ko.

Ang init. Ang sarap sa pakiramdam.

"I'd cross the desert...
I'd cross the desert to be where you are..."

The Lightning Train Commuters BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon