CHAPTER 19: HARDER TO BREATHE (Maroon 5)

113 3 0
                                    

>>> DOROTEO JOSE

Pauwi kami ni Rodney galing practice.

"Nakakapagod ang ensayo ngayon, ano?" sabi sa'kin ni Rodney.

"Oo nga eh, tinatadtad na tayo ni Sonny kasi mukhang malapit na tayong magsimula ng mga demo tape," tugon ko, "kaya ayusin mo na ng husto ang pagkanta mo..."

"Yes, coach... Lalo na ngayon inspired ako," sabay ngiti.

Bumuntong hininga lang ako.

>>> BAMBANG

"Rodney!" tawag ng isang boses ng lalaki.

Napalingon kami pareho sa pinanggalingan ng tunog. May isang matabang, matandang lalaki na tumutungo sa amin.

"Mr. Cortez," mahina at mababang sambit ni Rodney.

Iniisip ko. Parang may nabanggit na sa aking Mr. Cortez si Rodney dati. Hindi ko lang maalala kaagad kung saan at kailan.

Lumapit at humimpil sa harap namin si Mr. Cortez.

"Rodney, kanina ka pa ko nandito, ngayon lang kita napansin. Kumusta ka na?" tanong nito.

"O-okay naman, s-sir," nauutal niyang sagot.

"Grabe Mr. dela Torre, ang laki mo na... Mamang mama ka na at lalo kang kumikisig," komento pa nito.

Hindi sumagot si Rodney. Halos nakapamuglat ito.

"Sino pala itong kasama mo?" nakaturo si Mr. Cortez sa akin.

"T-tropa ko..." stuttering pa rin siya.

"I see... Oh, ano namang kinuha mo no'ng college?"

"Ps-psychology po..."

"Interesting... You've made me so proud to have been your teacher..."

Padaskol na tingin ang iginawad ni Rodney sa dating guro.

Pinagmamasdan ko silang dalawa. Ngayon ko lang nakitang ganoon kailang si Rodney. Si Mr. Cortez ay malumanay lang makipag-usap kahit halatang hindi komportable ang isa.

Ako naman, nananatiling tahimik sa tabi ni Rodney.

>>> TAYUMAN

"Sige Rodney..."

Tatapikin sana ni Mr. Cortez ang balikat ni Rodney, ngunit umiwas siya.

"I'll be going now. Nice meeting you again. I wish you luck sa iba mo pang endeavors, Rodney," sabi nito, tapos tumingin sa akin, "same to you sir."

Nakangiting tumango lang ako.

Hindi umimik si Rodney. Nakatungo lang.

Tapos lumabas na si Mr. Cortez.

"Rodney, sino 'yun?" usisa ko.

Hindi tumugon si Rodney. Nakapamuglat pa rin siya.

"Hoy!" muli kong tawag sa kanya.

Bumilis ang paghinga niya. Malalim. Hindi pantay-pantay. Malakas. Matunog.

Biglang nanginig ang kanyang mga kamay.

Namasa siya ng malamig na pawis. Parang hindi mapakali.

"Rodney! Okay, ka lang?" pag-alala ko, "ano'ng nangyayari sa'yo?"

Mariin niyang pinikit ang mga mata niya. Mga tatlong segundo bago niya minulat muli.

Marahan kong hinatak ang braso niya, "hoy!"

The Lightning Train Commuters BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon