>>> PULSE RATE: 89 beats per minute
Gumising ako. Alas tres ng umaga.
Sa hotel room na iyon.
Bumangon ako, nasa tabi ko si Rodney. Mahimbing na natutulog.
Puno pa rin ng hapdi ang aking puso.
May mga sakit na hindi madaling tanggapin.
May mga sakit na pinapaalalang buhay ka.
May mga sakit na uudyukin kang mamatay. Ito ang sakit na iyon.
Hindi ko kakayanin ang buhay ko na wala si Rodney. Balewala ang buhay na haharapin ko.
May vase sa bed side table.
Tinanggal ko ang mga bulaklak. Inamoy ko. Mabango.
Pinutol ko ang mga tangkay. Tapos hinagis ko sa sahig.
Tangina niyo. Sabay sabay tayong mamamatay.
Hinawakan ko ang leeg ng plorera.
Binasag ko.
Kumuha ako ng isang matulis na piraso.
>>> PULSE RATE: 101 beats per minute
Gumawa ako ng malalim na hiwa sa aking wrist.
Sinigurado kong wala akong kawala ngayon.
Umagos ang dugo mula sa sugat na ginawa ko.
>>> PULSE RATE: 128 beats per minute
"Jayjay...?! Ano 'yang ginagawa mo?"
Napalingon ako.
Nakabangon na si Rodney. Nakapamuglat habang tinitingnan ang aking mga braso, at ang mantsang nagawa nito sa puting sheets ng aming kama.
"Inducing death via hypovolemic shock," seryoso kong sagot, "self mutilation. Suicide."
Hinatak niya ang braso ko, "tangina mo, Jay! Amina 'yang kamay mo! Tatalian ko ng tela! Dadalhin kita sa ospital!"
"Hayaan mo na ko Rodney. Wala na akong buhay pa na haharapin bukas," pagsuko ko, "kinuha na ang lahat ng mahalaga para sa akin. And by the time na madala mo ako sa ospital, baka patay na rin ako dahil sa daming dugo na mawawala habang transport time."
"Jayjay!" halos hablutin niya ang buo kong kamay.
"Ayoko nga!"
"Jayjay! Itigil mo nga!"
"Ayoko nga!"
>>> PULSE RATE: 132 beats per minute
"Ah gano'n," asar na anas ni Rodney, "gago ka ah, sige makikita mo."
Kinuha niya ang basag na piraso ng plorera.
Agaran niyang ginawan ng hiwa ang wrist niya. Kaliwa. Tapos kanan.
"Putang-ina! Ano'ng ginagawa mo?!" gulat kong bulalas.
Nagkalat na ang matsa ng dugo sa kama.
Lumuluhang sinigawan niya ako, "gago ka ba?! Tingin mo bang kakayanin kong makita kang mamatay! Kung pupunta ka na rin lang sa impiyerno, isama mo na 'ko!"
Naiyak na rin ako, "paano 'yung anak mo?"
"I told you Jay, just exist. Hindi ka tumutupad sa usapan," mariin niyang tugon, "kakayanin kong mabuhay sa pagpapanggap basta alam kong you exist somewhere in the world. Pero ano 'to? Iiwan mo na ako? Tangina mo! Sasama ako sa'yo..."
Bumuntong-hininga ako, "sorry Rodney. Sorry sa katangahang ginawa ko.
"Wala tayong magagawa. Andito na tayo."
>>> PULSE RATE: 152 beats per minute, weak and tready
Kulay pula.
Aming mga braso, kamay, dibdib, likod, tiyan, ari. Lahat.
"Paunahang mamatay?" nakangising tanong ni Rodney.
"Kung sino ang mahuhuli, talo, dahil siya ang makakakita ng pagkamatay nung isa," sabi ko.
Tumawa siya, "tama. Puwes ikaw na mauna. Para hindi mo maramdaman ang sakit."
"Sige, ilang minuto na lang naman itatagal ko."
>>> PULSE RATE: 145 beats per minute, weak and tready
Isang masidhing halikan. Isang mahabang halik. Isang huling halik.
Parang lagpas na lipstick na nagawa ng aming dugo.
Panghihina ng katawan. Panlalabo ng mata.
Unti-unting paglamlam ng malay. At ng katinuan.
"Tulog na tayo ulit?" aya ko.
"Sige."
>>> PULSE RATE: 70 beats per minute
Nahiga kami. Magkaharap.
Nagngigngitian kami.
"Paakap," pakiusap ko.
Inakap niya ako. Mahigpit. Ngunit medyo madulas dahil sa dugo.
"I love you, Papu."
"I love you, Chino ko."
"Bye... See you soon."
"See you... Sleep na."
Kadiliman.
>>> PULSE RATE: 13 beats per minute... Decreasing...
>>> ECG TRACING: Asystole (Flat Line)
--------------------------------------------------------------------------------------------
Nagising ako, agad na bumangon.
Tumingin ako sa orasan. Quarter to four.
Napatingin ako sa braso ko. Walang sugat. Walang dugo.
Nasa tabi ko si Rodney. Mahimbing ang tulog.
Nakita ko ang plorera, buo pa. Ang mga bulaklak, buhay pa.
Hindi ko gagawin ang napanaginipan ko.
Pinaghirapan ni Rodney na ibalik ang katinuan ko, hindi ako gagawa ng isang kabaliwan tulad ng pagsu-suicide ulit.
Bukas, magsisimula akong mabuhay nang wala na siya.
Mabubuhay ako. Kahit masakit.
Tahimik akong tumayo mula sa kama.
Nagbihis.
Nagtungo sa pinto.
Tumigil bago lumabas. Umikot.
Tumitig ng sandali sa tulog kong ex-boyfriend pagpatak ng alas kuwatro.
Mahinang inawit ang bridge ng, "Gaze at Your Eyes," na hindi ko inawit kagabi.
"One step behind, I fall everytime...
Until you get past outside my door...
And if soon I will be, a speck of your memory...
Tell me what else am I here for...?""But God knows I did my best...
And if I leave no I don't love you less...
'Cause in my sky, in my night, you're the star...
I just chose to love you from afar..."At ako ay umalis na.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Alas sais ng umaga.
Nasa bus ako, papalapit na ng Maynila.
May nag-text.
Si Rodney.
But the sun's up now and I open my eyes... And I find you're not here, and I'm wondering why... 'Cause just when I thought I had it right last night... When you were here with me breathing... How could you leave your heart in the morning...
At ako'y humagulgol.
BINABASA MO ANG
The Lightning Train Commuters Band
General FictionThe story and the songs used are not mine. It was all written by the author, Hallur. I just want to preserve this masterpiece of him :)