CHAPTER 25: PARTY IN THE U.S.A. (Miley Cyrus)

111 4 0
                                    

"Bale ganito mga parekoy," panimula ni Wendell bago kami mag-practice, "'yung pinsan ko magde-debut sa Sabado. Kaso 'yung nirentahan nilang variety band, biglang na-aksidente 'yung dalawang member. So, tinanong ako kung puwede, tayo na mag-sub."

"Ah, basta hindi 'thank you,' ang bayad," sagot ni Sonny.

"Ay, pare hindi na masama ang bayad. Ten thousand tapos kasama tayo sa buffet."

"Kaya na siguro 'yan, nagva-variety naman tayo dati," pag-ayon ko.

"Asan ba 'yung line-up ng mga kanta?" tanong ni Rodney.

Inabot sa amin ni Wendell ang isang yellow paper na naglalaman ng dalawampung kanta.

"Tangina. Party in the U.S.A.?" padaskol na reaksyon ni Marko, "jologs naman. Miley Cyrus?!"

"Puro naman bubblegum pop at party music ang mga kanta dito," dagdag ko, "Lindsay Lohan, Pink, Black Eyed Peas, Britney, Lady Gaga, T-Pain, Usher."

"Siyempre. Debut nga eh, so mga teenager ang mga a-attend diyan," paliwanag ni Wendell.

"Teka, teka. Ano 'tong 'Sorry Sorry?" Hindi ko pa 'ata 'to naririnig. Sinong banda 'tong Super Junior?" ani Rodney.

"Ah, Koreano 'yan," tugon ni Wendell, "puwedeng gawan ng magandang bagsakan 'yan."

"ANO?! Pakakantahin niyo 'ko ng Koreano?" reklamo ni Rodney.

"Sige na guys, kahit araw-arawin na natin ang praktis," pakiusap ni Wendell, "naawa na rin ako sa pinsan ko, 'eh. Umaasa siya ng magandang music sa party niya."

"Hindi naman sa ayaw namin Wendell, kaso tingnan mo naman, oh, kalahati sa mga kantang gusto niya, pambabae," eksplika ni Sonny, "sinong kakanta niyan?"

"Wala akong balak kantahin ang Party in the U.S.A.," yamot na turan ni Rodney.

Napakamot ako sa ulo. "Saan naman kaya tayo kukuha ng babaeng bokalista?"

Natahimik ang lahat.

Biglang nagsalita si Rodney, "alam niyo bang church singer si Apple?"

--------------------------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan. Sa ensayo.

Nandoon ang ikaanim at temporary na miyembro ng Lightning Train Commuters, si Apple Aliswag.

Hindi ko maintindihan kung bakit napaka-keen ng mga senses ko sa pag-obserba ng magiging interaction ng dating magkasintahan. Magkatabi sila sa harap ng banda. May tig-isang mic at stand.

Madalas silang mag-usap ni Rodney. Parang noong dating sila pa, minus ang lambingan.

Malapad ang ngiti ni Apple. Malayo sa iritableng babae na huli kong nakitang nagwo-walk-out.

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko naging congested ang garage band studio dahil sa isa pang bokalistang nadagdag.

"Okay, set-up na. Jamming na!" cue ni Sonny.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahal..." pabuskang awit nina Wendell at Marko.

Namula si Apple.

"'Oy, mga sira ulo kayo... Makakaganti rin ako sa inyo," sagot ni Rodney sa mic.

Napalingon sa akin si Rodney. Tapos nagkibig-balikat, "be nice Coach Jayjay. Baka naman sungitan mo rin si Apple. Baka mabigla 'to."

Natawa ang babae at hinampas ang balikat ng dating nobyo.

Hindi ko alam kung paano sasagot kaya tumango na lang ako.

The Lightning Train Commuters BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon