Holy sh... Naka briefs lang nga pala ako!
Agad kong tinakpan ang lower part ng katawan ko ng twalyang hawak ko. Nakapamuglat na rin ako.
Si Rodney nakatungo pa rin.
"Sinisilipan mo ba ako?!" hindi ko napigilang sumigaw.
Tumingala siya sa akin at lukot ang mukha, "pa'no kung sabihin kong oo?!"
Hindi ako naka-react agad. Nang bumalik ang huwisyo ko sinagot ko siya, "eh tarantado ka pala, eh!"
Hahangos na sana ako sa kanya para saktan siya pero bigla siyang tumayo. Natigilan ako.
"Kaya nga pinagbibihis na kita, kasi baka bigla kitang masunggaban," irritable niyang sagot, "ako pa rin ang manyakis na lalaking kumiskis sa puwet mo sa LRT nung una tayong magkita. Malibog pa rin ako, Jay. Alam mo ba? Ang tagal ko nang gustong hubaran ka, halikan ka. Matagal na kitang sinasalaula sa isip ko. At sinasabi ko sa'yo, kaya kong gawin 'yan sa'yo ngayon! Kaya mag-ingat ka!"
"Putangina mo!" bulalas ko.
Sa wakas. Nasapak ko rin siya. Tang-ina! Bastos na bastos ako sa sinabi niya!
Agad siyang naka-recoil mula sa pagkakaulpit. Nagulat ako nang pahablot na niyakap niya ang torso ko at bigla akong binalibag sa sahig. Nasa paanan niya na ako.
"Argh! Aray ko! Gago ka!" protesta ko.
Maingay ang bagsak ko sa sahig. Mukhang wala namang mabubulabog.
"Tangina Jay, may ginawa na ba ako sa'yo?!" aniya habang nakaduro sa mukha ko, "Tangina, kaya kitang gahasain ngayon! Kaya kong tirahin ka ngayon at siguruhing babalikbalikan mo ang sex na gagawin ko. Kayang kaya kitang gawing bakla ngayon! Pero puta ayoko ngang sirain kung ano'ng meron tayo! Ano bang parte ng 'gusto kita,' ang hindi mo makuha? Tapos magugulat ka pa sa sinabi ko?"
Napaupo siya muli sa kama.
Ang lamig ng sahig ay damang dama ng likod kong walang saplot. Ang lalim ng paghinga ko.
"So, ano? Dapat magpasalamat ako dahil hindi mo ako ni-rape?" kalmado kong sabi.
Hindi siya nakasagot agad. Maging siya ay napapabuntong hininga.
"Jay... I'm sorry..." paumanhin niya, "naglalaban ang libog at katinuan sa utak ko ngayon. Gusto kitang angkinin Jay... Gustong gusto... Pero ayokong pilitin ka. Ayokong kamuhian mo ako. You're that special Jay... Ayokong mangyari sa'yo ang nangyari sa'kin."
Tumayo siya at tumungo na sa bathroom.
Hindi na muna ako nakabangon mula sa sahig.
Nakatitig lang ako sa kisame. Dinadama ang lamig ng sahig. Umulit-ulit ang mga sinabi niya sa utak niya. Pigil na pigil ako na sumikip lalo ang masikip ko nang underwear.
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Limang minuto.
Tapos may narinig akong ungol mula sa loob ng kubeta.
--------------------------------------------------------------------------------------------
"Alitaptap?"
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Nasa may bintana.
Bumalik ang diwa ko sa alaala ng nanay ko noong nakatira pa kami sa Ilocos.
Tuwing gabi. Sa hardin sa likod ng maid quarters ng bahay ng Konsehal na ngayon ay isa nang Mayor. Lalakbayin namin ang gabi na iniilawan ng daan-daang mga kulisap.
Iyon ang pinaka-secure na mga saglit ng buhay ko.
Nilabas ko ang pekeng iphone at nagpatugtog habang nakatitig sa mga alitaptap na nagpaalala sa kay Mama. Ang init sa pakiramdam. Pseudo-security.
BINABASA MO ANG
The Lightning Train Commuters Band
Ficción GeneralThe story and the songs used are not mine. It was all written by the author, Hallur. I just want to preserve this masterpiece of him :)