CHAPTER 44: GAZE AT YOUR EYES (Lightning Train Commuters)

87 4 0
                                    

"Papu, tingnan mo 'yon," ngumuso si Rodney sa harap ng dining hall.

Sa gitna ng aking paglamon sa buffet food, nilingon ko ang tinuturo niya.

May piano at mikropono. May mini-sound system din.

"Ganda ng Grand Piano. Digital. Yamaha. Astig!" bulalas ko sa nakita ko, "pangarap ko makahawak ng ganyan."

Ngumisi siya sa akin, "gusto mo?"

Nagsalubong ang kilay ko, "huh? Pa'no?"

Tumawag si Rodney ng waiter at binulungan niya ito.

Tumango ang waiter. Tapos nilahad ang kamay patungo sa stage.

Tumayo siya, "lika Jay, nagpaalam na ako."

"Hala! Nakakahiya!" protesta ko, "ano ka ba naman Rodney, ang kapal talaga ng mukha mo!"

"Dali na," hinatak niya ako patayo, "pagkakataon mo na 'to na makatugtog sa ganyan! Sulitin na natin!"

Wala akong nagawa kundi sundan si Rodney habang patungo sa stage. Nang makarating kami doon, pinaupo niya ako sa harapan ng piano.

Nagtitinginan sa amin ang mga mayayamang hotel guests na kumakain sa dining area.

"Wow..." manghang-mangha ako sa LCD screen at mga button na nakikita ko. Full length ang piano.

Sinaksaksak ko ang plug at pinindot ang power button. Muli na naman akong napanganga nang makita ako ang iba't ibang kulay na nabuhay sa panel ng organ.

Nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Rodney sa mikropono.

"Good evening, I am Rodney and this is my friend, the sexy loverboy, Jayjay. We are the members of the upcoming band Lightning Train Commuters, and we would like to offer you a short song number to delight you while you devour your sumptuous meals."

Nanlaki ang mata ko habang napalingon ako sa kanya.

Sinenyasan niya ako na magpatugtog.

"Ano'ng patutugtugin ko, gago ka?!" nagpa-panic kong tanong.

Tumango siya, "basta kahit anong sipra natin sa banda."

Bahala na si Batman.

Pumindot ako ng tiklado. Nagpatugtog ng intro. Nakilala ni Rodney ang kanta.

"If I give up on you... I give up on me... If we find what's true... Will we ever be...? Even God Himself... With whose faith I knew... Shouldn't hold me back... Shouldn't keep me from you... Tease me... By holding out your head... And leave me... Or take me as I am... And live our lives... Stigmatized... I believe in you... Even if no one understands... I believe in you... And I don't really give a damn..."

Mukha namang natuwa ang mga tao sa aming ginagawa. Nakatingin na silang lahat sa stage at nakikinig sa amin.

At ako, damang dama ko ang pagtugtog dahil magandang instrumento ang ginagamit ko at maganda ang labas ng tunog at acoustics ng lugar.

Sa buong kanta, panakaw nakaw kami ng tingin ni Rodney sa isa't-isa.

Pagkatapos ng awitin ay pinalakpakan kami ng mga tao.

Muling nagsalita si Rodney sa mic. "Thank you, very much and good n----"

"More!"

"Isa pa!"

"Gwapo niyo!"

"More, more!"

Na-overwhelm ako sa response ng audience.

The Lightning Train Commuters BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon