CHAPTER 54: ROCK STAR (Nickelback)

79 3 0
                                    

Kinabukasan, humangos ako sa record bar nang magbukas ang pinakamalapit na mall. Buti na lang off ko.

Nanginginig ang kamay ko na may hawak na isang CD case sa may "new releases" section.

LRT na tren ang picture sa cover.

Binasa ko ang nakasulat.

"The Lightning Train Commuters Band
Pedro Gil – Monumento Freedom Day"

Napaisip ko ang album title. Naalala ko. Sa Pedro Gil pumapasok ng trabaho si Rodney. Ako naman sa Monumento umuuwi. Noon.

Tinalikod ko ang case at binasa ang song list.

1. Two Years After
2. Huwad na Paraiso
3. Leave Your Heart in the Morning
4. Gaze at Your Eyes
5. Pedro Gil – Monumento Freedom Day
6. Papuchino
7. More than What You Think of Me
8. Tadhana
9. Parang Ewan Lang
10. Dreamboy
11. Final Ounces of Sanity

Mabilis ang tibok ng puso ko habang binabasa ang mga title ng mga kanta.

Diyos ko. Na-produce na pala ang mga kanta ko! Song 1, 2, 3, 4, 8, 9, 10 at 11!

Kalahati sa akin masaya dahil alam ko mapakikinggan na ng mga tao ang awit na nilikha ko.

Kalahati sa akin ay malungkot, dahil kahit naging mainstream na ang banda, hindi nila ako kasama.

Agad kong binili ang album.

--------------------------------------------------------------------------------------------

"I first saw you, two years ago... With those sad eyes and a smile of hope... I wanted to take you, but your told me to wait... So, I resigned everything to fate..."

Pinakikinggan ko sa bahay ang unang track ng album ng banda, "Two Years After."

Tinanggal ko ang album minibook mula sa case at binulatlat ito.

Nakalagay ang pangalan ko sa, "written by:"

At nandoon ang dalawang picture ng banda. Nakatayo sa LRT station. Sa ilalim ng neon sign na, "PEDRO GIL" at "MONUMENTO."

Ganoon pa rin ang hitsura nila. Ampopogi pa rin. Mukha pa ring mga manyak.

Mga rakistang preppy look! Sikat na ang mga kabanda ko!

Tinitigan ko ang imahen ni Rodney sa picture.

Tangina. Naluha ako.

Bumuhos ng isang bugso ang lahat ng alaala.

Nagpa-palpitate na ako.

Shit. Mahal ko pa rin 'tong taong 'to.

Binasa ko ang message of thanks nila. Isa sa mga linya nila ay, "we would also like to extend our gratitude to our resident composer, former vocalist, good friend and sexy loverboy, Jayjay Alejandro. We hope that he is reaching his dreams wherever he is now."

Tapos sa dulo nakalagay, "I, Rodney, would like to personally thank my muse. My music. My love. My soul and reason for existence. I will forever hope that our fortunes intertwine in the future. I love you very much. I love you forever. Iinom pa tayo ng Papuchino."

Hindi sa pagmamalaki, pero alam ko na ako ang tinutukoy ni Rodney dito.

Napaluha ako lalo.

Dahil kahit sa tagal ng panahon, alam kong iyon pa rin ang damdamin namin para sa isa't isa.

At dumating sa akin ang tanong na iniwasan kong tanungin sa sarili ko sa nagdaang dalawang taon.

"Ano na kayang nangyayari kay Rodney, Apple, at sa banda?"

The Lightning Train Commuters BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon