"Masuwerte ka Jayjay at seserbisyuhan kita ng libre," biro ni Rodney, "pasalamat ka at pogi ka at patay na patay ako sa'yo."
Tumawa ako, "adik ka talaga."
Kinabukasan. Dumating sa bahay ko si Rodney ng hapon.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong niya.
"Tama lang, kaso kulang. Magsi-six na nang matapos ang drama ko kahapon, eh," pabirong sagot ko.
Nakitawa lang siya.
"Basta sa afternoon session natin na 'to, hindi ako si Rodney na bokalista ng banda, o ang masugid mong manliligaw," aniya, "ako ang sikolohista mo. Kikilalanin natin ang sarili mo Jayjay. Pero hindi ako eksperto. I will just assess you with the best of my abilities."
Tumango ako, "opo Psychologist Rodney."
Naglabas siya ng mga bond paper at isang box ng cray pastel mula sa shoulder bag na dala niya. Naupo kami sa sofa.
Inabot niya sa akin ang papel at pangkulay.
"Mr. Alejandro, make an artwork of how you feel."
Ngumiti lang ako at tumango.
"Just draw whatever feels right. Tapos sabihan mo ako kapag tapos ka na."
Tinitigan ko ang blankong puting papel sa harapan ko.
Nag-isip muna ako ng gagawin ko. Naisip ko na lang gumawa ng abstract. Hindi naman ako pintor.
Binuksan ko ang Cray Pastel box. Ang dami. Mahigit thirty ang kulay na available. Iba-iba na ang length. 'Yung iba masgamit kaysa sa iba.
Pinili kong gamitin ang mga pastel na gamit na.
Hinayaan ko na lang ang kamay ko gumuhit mag-isa. Ayoko na ring pahirapan ang sarili ko. Masmaganda kung natural ang paglabas ng saloobin sa papel.
Habang gumagawa ako ay nakatitig lang sa akin si Rodney. Parang nananaginip. Hinayaan ko lang siya.
"Tapos na."
"Patingin nga."
http://img824.imageshack.us/img824/7937/jayjayspecimen.png
"So, ano'ng assessment mo sir?"
"Una sa lahat Mr. Alejandro, konting kulay lang ang ginamit mo. Pansin ko ang ginamit mong mga pastel 'yung pudpod na. Maaaring i-validate nito ang kagustuhan mo ng simpleng pamumuhay, ang pagiging matipid at kuripot mo. And exhaustive ka. Hindi ka gagamit ng bagong supply hangga't hindi nasasaid ang luma. Katulad nito. Kinulayan mo ng itim ang mga natitirang spasyo ng papel. Parang gusto mo itago ang mga kakulangan sa buhay mo."
Tumango ako.
"Ang mga shapes na pinili mo, puro square. Perfect square nga eh. Puwedeng ang ibig sabihin nito, ikaw ang isang taong maraming constraints at inhibitions sa sarili, which is totoo naman. Haha. You like habits and routines. Kaunting variations lang ang gusto mo sa buhay mo, as evidenced by the small variety of colors of the boxes. But this also shows, that you are really keen on details. You just don't look. You observe. Parang 'yung pamumuna mo sa mga flat ko kapag kumakanta ako."
Tumango ako ulit.
"Ano ang ibig sabihin ng red at white circle sa gitna ng gawa mo?"
"Ah, 'yung red, 'yan si Mama. Sa kanya ko lang naramdaman ang true love sa buhay ko."
"'Yung puti?"
"'Yan siguro 'yung true love na dadating sa buhay ko ngayong wala na si Mama. Wala pa eh, kaya hindi pa pula."
BINABASA MO ANG
The Lightning Train Commuters Band
General FictionThe story and the songs used are not mine. It was all written by the author, Hallur. I just want to preserve this masterpiece of him :)