CHAPTER 29: MORE THAN WHAT YOU THINK OF ME (Lightning Train Commuters)

117 4 0
                                    

Hindi pa rin tapos ang misyon kong mapunan ang aking Johari's window.

Wala pa ring laman. Hindi ko malagyan. Hindi rin malagyan ni Sonny.

Blanko pa ang mga box.

Naisip ko, baka sa iba ko mahanap ang self-validation.

Kinabukasan ng gabi.

Muli kong natagpuan ang sarili ko sa kuwarto ni Sheryl.

Maraming beses ko siyang nagamit. Sarap na sarap ako sa sex na ginawa namin.

Sabi nga nila, sexualization is a defense mechanism. Kapag malaki ang problema mo, ang sex, tulad ng drugs, ay isang mabisang escape.

At mukhang natugunan naman ni Sheryl ang pangangailangan kong iyon.

"Mukhang na-miss mo 'ko ng husto, ah," sambit sa'kin ni Sheryl pagkatapos ng huli naming pagniniig.

Natawa ako, "tama lang. Ikaw nga 'tong mukhang hayok na hayok sa'kin."

Kinurot niya ako sa tagiliran, "kapal mo, Jay! Hahaha, where have you been ba this past month?"

Inisip ko kung nasaan ako ng huling buwan at mga araw bago pa iyon.

Dalawa lang naisip ko. Ang banda. At si Rodney.

"Busy lang," sagot ko.

"Kaya mo pa isa?" mapang-akit niyang tanong.

"Pang-apat? Haha. Sige mamaya. Recharge muna ako."

Humagikhik siya.

"Sheryl, naisip mo bang tuluyan mo na 'kong syotain?"

Natawa siya, "bakit naisip mo ba 'yon?"

"Hindi naman. Pero kung sakaling gusto ko, sasagutin mo ba 'ko?"

Umiling siya, "hindi."

"Bakit naman?"

"Sorry, don't take this wrong, huh. Pero hindi ka boyfriend o husband material."

"Pa'no mo nasabi?"

"Don't get offended Jay, huh? But it's just that you're dull. Mysterious ang dating kaya nakakaakit. But then kapag sinubukan mong buksan, wala namang laman. Empty. Heartless. Purely pang-kama. Isang heartless sex machine. Batteries not included."
Hindi ako nakaimik. Tinanggap ko lang ang sinabi niya.

"Don't tell me naapektuhan ka sa sinasabi ko? I mean, you know me. I'm straight forward. I'll tell what I think of. But you're the best fuck I've ever had."

Sa likod ng lalong pagkalito, nginisihan ko pa rin siya. "Ah, mysterious pala, huh? Best fuck, huh? Sige, papatunayan ko ulit sa'yo ngayon 'yan."

At muli kaming nagtalik.

Habang may ibang lagusan na napunan, nanatiling butas pa rin ang Johari's window.

--------------------------------------------------------------------------------------------

>>> UN AVENUE

Kinabukasan.

Sa loob ng control room, nandoon kaming dalawa ni Sonny. Nauna ulit kami sa ibang band members.

"Ano'ng orig na kompo naman ang i-re-record natin ngayon?" tanong ko.

"Nahihirapan nga ako pumili, eh," ani Sonny, "bakit nga ba gano'n ang set ng mga kanta mo? Kung hindi tungkol sa sex, puro naman malungkot. Wala ka bang masayang kanta?"

"Pa'nong masaya?"

"'Yung upbeat? 'Yung maaliwalas ang chord pattern. 'Yung tungkol ba sa love na hindi heart broken."

The Lightning Train Commuters BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon