Yung scene dito, ito yung 5years na akala ni Kyle ay patay na si Yssa. Para lang hindi kayo malito sa plot. :)
**
"Carla Javier. Yssabelle's bestfriend.." pagpapakilala ni Kyle sa kasama nya. Ofcourse I know her. Matagal ko na syang kilala kahit hidi mo sya ipakilala sa akin. I whispered inside my mind.
Umupo sila sa bakanteng stool. Carla sat beside me. Tapos si Kyle naman ay umupo sa tabi ni Carla. Nakapagitna sya sa amin ni Kyle.
Gusto ko syang kausapin. But I don't even know how to start a conversation. Baka mainip lang sya sa pag usapan namin. She then started talking to Kyle. Si Kyle na walang bukambibig kung hindi si Yssabelle..
But now, Yssa's dead. Hindi na alam ni Kyle kung paano pa buuin ang sarili nya. Si Carla na nga lang ang laging kasama nya eh. And it's really obvious na may gusto na si Carla sakanya.
Ako nalang kasi. Yan.. Yan ang bagay na gusto kong sabihin sakanya, pero hindi yun mailabas ng bibig ko. Natatakot ako. Natatakot ako na baka pag sinabi ko yun ay layuan nya ako. Sino nga ba naman ako?
Isa lang naman akong hamak na batang mataba noon na ipinagtanggol nya.
"Hoy! Ang taba mo. Hindi ka pwede dito." Kutya ng batang lalaki na nasa edad na pitong na taon. Napayuko nalang ang batang nilalait nila.
Ganun ba talaga? Dahil lang sa mataba sya ay hindi na sya isasali sa laro?
Tumalikod nalang sya at naglakad palayo. Umupo sya sa damuhan na nasa ilalim ng puno. Malungkot syang nakamasid sa mga bata na halatang masaya sa paglalaro.
"Uy, bata? Bakit hindi ka nag lalaro?" nag angat sya ng tingin. Isang batang babae ang bumungad sakanya. Kasing edad nya lamang ito.Limang na taon.
Hindi nalang nya pinansin ang batang babae. Ibinalik nalang nya ang tingin nya sa mga batang naglalaro. Hindi nya napansin na umupo pala ang batang babae sa tabi nya.
"Uy, bata. laro tayo?" pangungulit nanaman ng batang babae sakanya.
"Hindi ako pwedeng maglaro. Mataba ako.." yun lang ang naisagot nya.
Kumunot ang noo ng batang babae sa sinabi nya. "Ha? Bakit ang Kuya ko mataba din naman pero nakakapag laro sya? Tara! Laro tayo.." aya nya ulit. Hinila hila na nya ang kamay ng batang lalaki.
"At isa pa. Hindi ako pwedeng makipaglaro sayo. You're a girl.." pagsusungit ulit ng batang lalake.
Hindi parin nagpaawat ang batang babae sa pagpilit sakanya. Hanggang sa pumayag na ito. Ang ingay kasi ng batang iyon. Kabaligtaran nya, masyado syang tahimik. Walang imik kung minsan.
Nagsimula na silang maglaro. Nagtakbuhan. Sumakay ng swing at kung ano pa. Hindi nila inaalala na baka hinahanap na sila ng mga magulang nila. Ang mahalaga lang sakanila ay makapaglaro sila.