Chapter 14

9K 210 18
                                    

"Yssa, kasama mo ba si Carla ngayon? Ang lakas ng ulan eh. Hindi nya sinasagot ang phone nya.." tanong ko sa kabilang linya. Tinawagan ko si Yssa. Wala pa kasi si Carla hanggang ngayon. Nalowbat naman ang phone ko kanina kaya hindi ko din sya agad natawagan. Ang lakas pa man din ng ulan.

"Hindi eh.. Sinasabay na nga namin sya ni Kyle kanina, kaso ang sabi nya hihintayin ka daw nya." sagot lang nya. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha.

Malamang kanina pa nya ako tinatawagan pero hindi nya ako macontact. Kung bakit ba naman kasi nalowbat pa ang phone ko ng mga oras na yun.

"Ah ganun ba.. Sige." sabi ko nalang at ibinaba na ang tawag.

Napaupo ako sa may sofa. Saan na kaya sya ngayon? Hindi ko na sya matawagan. Baka mapano sya. Ang lakas lakas ng ulan eh. Mukhang wala na balak na tumigil. Napatingin ako sa orasan. Halos malapit ng mag alas dose. Dapat kanina pa sya nandito eh.

Hahanapin ko sya.

Bahala na.

Bumaba na ako at nagtungo sa kotse ko para hanapin si Carla. Wala akong pakialam kahit na sobrang lakas ng ulan. Mas importante parin saakin ang kaligtasan ng mahal ko.

Pumunta ako sa lugar na maaari nyang tuluyan. Tinawagan ko na din ang mga magulang nya, pero ang sabi naman nila ay wala daw sya dun.

Mababaliw na ata ako pag hindi ko pa nalaman kung nasaan ba sya.

Tumigil ako sa tapat ng opisina nila at dun na nagpalipas ng gabi. Halos ikutin ko na ang buong Maynila pero hindi ko parin talaga sya makita.

**

Napamulat ang mga mata ko ng marinig kong nagri-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa may bulsa ko. Agad kong tinignan kung sino ba ang tumatawag, si Mom pala. Akala ko pa naman si Carla na.

"Hello Mom?" bungad ko. Napahawak ako sa batok ko. Medyo nangalay kasi ito.

"Anak, daan ka dito sa bahay. May ipapahatid sana kasi akong mga papers sa Kuya mo.." sabi agad nya. "Di kasi ako makaalis dahil medyo malakas pa ang ulan." napatingin ako sa labas. Medyo may kalakasan pa din nga ang ulan pero hindi na ito tulad ng sa kagabi.

"Mom. Hindi ako pwede." sagot ko. Hahanapin ko pa si Carla. Baka nasa condo na yun eh.

"Importante ang mga 'to anak.."

Napabuntong hininga nalang ako. Pag nag iba na ang tono ni Mom, hindi ko na sya magawang tanggihan. "Okay. Sige po.. Pupunta na ako dyan."

Nagdrive na ako papuntang bahay. Palinga linga parin ako sa daan habang nagmamaneho. Baka kasi makita ko si Carla. Kaso wala talaga sya eh.

Pagdating ko sa bahay ay kinuha ko na ang mga papel na sinasabi ni Mom at umalis na din agad. Idadaan ko lang naman to kay Kuya at aalis na din kaagad. Wala naman akong balak nag stay dun. Hindi naman kasi kami ganun kalapit ni Kuya.

Silent LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon