"Dali na kasi. Para naman may ginagawa ka.." pilit ko kay Jim. Kanina pa kasi kami nagtatalo. Kinausap kasi ako kagabi ng Mommy nya na pilitin ko daw si Jim na i-manage yung school na pag aari nila. Kaso naman ayaw niya. Ang kulit. Ang tigas ng ulo.
"Ayoko. Pag ako ang nag manage dun.. Wala na akong oras sayo." sabi naman nya.
Nag ayos nalang ako ng upo at bumuntong hininga. Wala na akong naisip na paraan kaya kokonsensyahin ko na sya. "Okay.. Kung ayaw mo. Okay lang naman.. Pagod na akong pilitin ka. Sige. Pag ikinasal na tayo ako nalang ang magtatrabaho.." sabi ko naman.
Nilingon lang nya ako. Walang ekspresyon ang mukha nya. Mukhang hindi naman sya naapektuhan sa sinabi ko. Tumayo lang sya at iniwan na ako dito sa loob ng opisina.
Ganun nalang yun? Hindi man lang sya nakonsensya? Tsk. Ang hirap naman pilitin ng isang yun!
Gusto ko lang din naman na may ginagawa sya. Hindi yung aasa nalang sya sa magulang nya. Yun lang siguro ang napansin ko kay Jim. Ayaw nya yung nagta-trabaho. Ewan ko ba! Hindi naman sa ayaw ko. Kaso kailangan din nyang magtrabaho. Paano pag nagkapamilya na kami?
Ahhh! Erase. Erase. Bat ba ang advance ko mag isip?
Matawagan na nga lang si Tita.
"Hello? Oh, napilit mo na ba sya hija?" bungad agad saakin ng Mommy ni Jim.
"Hindi po. Ayaw talaga eh.." malungkot na sagot ko naman.
Narinig ko na parang napabuntong hininga naman sya. "Sige.. Okay lang. Pumunta ka nalang sa bahay mamaya. Dumating na kasi ang kapatid ni Jim.." sasagot palang sana ako kaso agad na nyang ibinaba ang tawag.
Uuwi na ang kuya ni Jim? Ngayon ko lang sya makikilala. Hindi naman kasi madalas binabanggit ni Jim saakin ang kuya ya eh. Basta ang alam ko lang, hindi sila close.
Maaga akong natapos ang mga ginagawa ko. Tinignan ko ang cellphone ko. Hindi man lang ako tinext ni Jim. Malamang nagtatampo talaga yun. Tinext ko nalang sya na pupunta ako sa bahay nila mamayang gabi.
Naisipan ko na munang dalawin si Yssa sa bahay nila. Kakapanganak lang kasi nya sa kambal eh. Ang bilis nga ng panahon. Parang kailan lang nung ikinasal sila ni Kyle tapos ngayon unti unti na silang nakakabuo ng pamilya. Masaya talaga ako para sakanila.
Nag taxi nalang ako papunta sakanila. Wala naman kasi si Jim eh. Dapat sana magkasama kami ngayon kung hindi lang sya nagiging matampuhin nitong mga nakaraang araw. Gusto nya kasi palagi kaming magkasama.
Hindi naman sa nahihigpitan ako. Pero gusto ko gawin din nya yung ibang bagay na ginagawa nya dati nung hindi pa kami. Kaso pag naman inaayawan ko sya ayun, magtatampo na. Gusto nya kami lang palagi ang magkasama.
Possessive boyfriend!
Dire-diretso na akong pumasok sa gate nina Yssa. Medyo nakabukas kasi yun eh. May narinig akong nagtatawanan sa may garden kaya dun ako tumungo. Nakita ko agad sila ni Kyle na masayang nilalaro ang kambal at si Erin. Napangiti ako. Ang saya saya nila ngayon.