Chapter 2

16.5K 267 8
                                    

"Si Kyle?" tanong agad sa akin ni Carla.

Hindi ba pwedeng ako nalang ang hanapin mo? Bulong ng isip ko.

"Hindi ko alam eh.." kibit balikat na sagot ko nalang.

Umupo sya sa bakanteng silya na ansa tabi ko. Nandito kasi ako ngayon sa bar ni Vince. Si Carla din madalas na nandito, minsan palagi nalang si Kyle ang hinahanap nya.

Hindi ko nga alam kung paano ko nakakaya ang ganitong sitwasyon.

"Ang hirap naman pasayahin ng lalaking yun.." biglang sabi ya. Napatingin ako sakanya. Binaba ko ang baso na hawak ko sa may counter habang sya naman ay diretso lang ang tingin.

"Lagi nalang si Yssabelle ang hanap nya.." natawa sya habang umiiling.

"I guess, mahal nya lang siguro si Yssabelle.." komento ko.

"Pero wala na ang bestfriend ko.. Nasasaktan din naman ako sa mga nangyari, but we need to move on and move forward.. Hindi yung titira nalang sya sa nakaraan.." hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko natamaan ako sa sinabi nya, kahit hindi naman nya yun intensyon.

Move on and move forward?

Wag tumira sa nakaraan?

Parang ako yun eh. Hindi kita kayang pakawalan. Kasi mahal na mahal kita.

Napailing nalang ako. Hindi ko na sinagot ang sinabi ni Carla. Ano naman ang dapat kong sabihin?

At isa pa, pag nandyan na sya, hindi ko alam kung paano nga ba sya kausapin. Kasi hindi naman nababaling sa akin ang atensyon nya.

Sa totoo lang, nagseselos ako kay Kyle. Kasi mahal sya ng babaeng minamahal ko. Ang swerte nga nya eh.

Samantalang ako, halos dekada na ang lumipas, hanggang ngayon ay hindi ko parin maamin sakanya ang mga bagay na gusto kong sabihin.

Duwag kasi ako.

Natatakot kasi akong manindigan.

Ayaw ko kasing mawala ang katiting na pag asa para sa aming dalawa.

Pinagkakasya ko na nga lang ang sarili ko sa pagtingin sakanya. Dahil ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na ibaling sa iba ang atensyon ko. Sya lang talaga.

"Alam ko namang mali eh.." napatingin ako sakaya.

"Ha?" litong tanong ko.

"Alam kong mali, dahil ex nya ang bestfrieng ko. Pero ang hirap kasi eh. Pinipigilan ko naman, kaso pag nakakasama ko sya, tumitindi ang tibok nito.." sabay turo sa dibdib nya.

Napahigpit ang palad ko sa hawak kong baso. Parang piniga ang puso ko ng marinig ko mismo yun na galing sakanya.

"Malay mo, dadating din ang araw na mamahalin ka nya." pinilit kong gawing casual ang boses ko. Kahit na sa loob ko, basag na basag na ako dahil wala akong magawa para sa babaeng pinakamamahal ko

Ang nakakatawa pa, wala na nga akong magawa para aminin sakanya ang lahat, tapos tinutulak ko parin sya sa iba. Gago kasi ako.

"Ang hirap pag minahal mo ang maling tao." napasubsob sya sa may counter. Kitang kita ko kung paano nasasaktan ang babaeng pinakamamahal ko.

"Shh. Tama na.." pag aalo ko sakanya. Hinaplos ko sya sa likuran. Ramdam ko ang hinanakit nya dahil sa panginginig ng katawan nya.

Ako nalang kasi, please.

Ang hirap ilabas ng mga salitang yun. Ang hirap isugal ng kakaunting pag asa sa puso ko.

"You love him that much?" hindi ko na maiwasang itanong yun sakanya.

Nag angat sya ng tingin. Pinunasan nya ang mga luha sa mga mata nya. "I think s-so.. But I know it's wrong. Mali. Maling mali.." may mga luha nanaman na tumulo sa mga mata nya.

Gusto kong punasan ang mga ito pero hindi ko magawa.

"Be with me, I'll make you happy.." sambit ko.

Natigilan sya bigla sa sinabi ko. "Wha.. W-what?"

"I'll make you happy. Try me, Carla. Hindi kita sasaktan.." ang sarap sa pakiramdam na nasabi ko ito sakanya ng diretso. Para bang may tinik na natanggal sa dibdib ko.

"J-jim.. Are you drunk? Or you're joking me, right? Just to lighten up the mood.." ng sabihin nya yun ay parang naglaho ang lahat ng pag asa sa puso ko.

Ang akala nya joke lang ang sinabi ko? Dmn it. Sa lahat ngaman ng pwedeng biro, yung pa ang nararamdaman ko?!

Ang sakit naman..

I cleared my throat, tumawa ako ng marahan. Pero sa totoo lang, nahihirapan na ako sa paghinga dahil sa sakit. 

"A-ahh.. Yeah.. Joke lang yun. Forget it.." natatawang sabi ko.

Pretender!

Liar!

Sigaw ng puso ko. Paano ko nagawang sabihin yun, eh talaga namang totoo ang lahat ng sinabi ko. Hindi yun joke!

"Ikaw talaga.." tumayo na sya. "Huwag ka na ulit mag joke ng ganun ha?" then she turn around and walked away.

What the hell.

Ganun na lang yun? Para sakanya joke lang ang nararamdam ko? Bakit ba kasi ang duwag ng puso ko?

**

-Kerbs

Silent LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon