Chapter 13

9.2K 220 3
                                    

3rd Person

"Sa wakas dumating ka din!" salubong ni Greg kay Carla nang makita nyang papasok ang dalaga sa restaurant na pagkikitaan nila.

"Pasensya na. Hinintay ko pa kasing makaalis si Jim.." sagot naman ni Carla. Lumingon sya sa paligid dahil parang kanina pa nya nararamdaman na may sumusunod sakanya. Pero kahit na anong lingon nya ay hindi naman nya ito makita.

"Bakit lingon ka ng lingon sa labas?" kunot noong tanong ni Greg sakanya. Nahalata na pala nya ang pagiging balisa ni Carla.

"W-wala.." nag iwas agad sya ng tingin. "Umorder na nga tayo.." pag iiba nya sa usapan. Kinuha nalang nya ang menu list na nakalapag sa may mesa ay kunwaring binasa yun. Hindi kasi sya nagiging komportable. Tila nahahalata na kasi ni Jim ang pagbabago sakanya.

Gaya nalang kaninang umaga ng magising sila. Agad tinanong ni Jim kung anong oras sya uuwi o kung sino ang mga makakasama nya ngayong araw. Nagtataka sya dahil hindi naman pala tanong dati si Jim. Pero ngayon, para bang pinagdududahan na sya ng kanyang kasintahan.

"Oo nga pala. Ano ng plano mo? Kailangan ko na ang desisyon mo bago matapos ang buwan na 'to.." sabi ni Greg pagkaraan ng ilang sandali.

"Bigyan mo pa ako ng konting panahon." sagot naman ni Carla. Nagkibit balikat naman si Greg sa sagot ng dalaga.

Umorder nalang sila at kumain na ng pananghalian. Masaya silang nag uusap ng kung ano anong bagay. Ganito na talaga sila pag sila lang dalawa. Masaya, palaging nagkukulitan. Pero kailangan nilang magpanggap na hindi nagpapansinan sa harapan ni Jim dahil na din sa ibang dahilan. Ayaw din kasi ni Carla na masaktan si Jim pag nakikita nya itong kasama si Greg.

Pero pagdating ng tamang panahon, alam ni Carla na maiintindihan din ni Jim kung bakit sya palihim na nakikipagkita sa kapatid nya. Baka nga ikatuwa nya pa ito pag nagkataon.

Tungkol naman sa nararamdaman ni Greg, isinantabi nalang nya ito. Oo nga't may gusto sya kay Carla. Pero hindi nya ugaling agawin ang kung anong meron ag kapatid nya. Gusto nya si Carla, pero hanggang dun nalang yun.

"Wooh! Nabusog ako.." sabi ni Greg habang hawak hawak ang tyan nya.

"Ang takaw mo kasi eh." tumatawang sabi naman ni Carla. Sa twing magkasama sila, palagi nalang syang natatawa dahil kay Greg. Masaya kasi itong kasama. Hindi nakakainip. Maraming naikukwento. Taliwas ang ugali nila ni Jim.

Jim

Napahampas ako ng malakas sa manibela ng makita ko si Carla at Kuya na nagtatawanan. Hindi napansin ni Carla na sinusundan ko sya kanina pa. Pero alam kong nararamdaman nya na may sumusunod sakanya dahil kanina pa sya lingon ng lingo sa paligid. Buti nalang ay maglaing pala akong magtago.

Naningkit ang mga mata ko ng makita kong hawakan ni Kuya ang kamay ni Carla. Ang sakit sakit makita na parang mas masaya sya sa piling ni Kuya. Lahat naman ng kaya ko ibinigay ko sakanya ah. Pero bakit parang hindi naman sya nakuntento?

Silent LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon