Jim
"Ahhhh! Manganganak na ata ako!" sigaw ni Carla mula sa kwarto namin. Napatakbo agad ako papunta dun.
Dali dali kong binuksan ang pintuan. Hinanap ko sya sa loob ng kwarto pero wala naman sya dun. Bumilis bilga ang tibok ng puso ko. "C-carla!" tawag ko. Ngunit wala akong natanggap na sagot.
Hinanap ko sya sa bawat sulok ng kwarto. Hanggang sa pumasok ako sa banyo at nakita ko sya na nakaharap sa salamin. Parang normal lang naman sya. Pero kahit na ganun ay nilapitan ko parin sya. "A-ayos ka lang? Manganganak ka na ba? Tara! Dalhin na kita sa ospital!" nag aalalang sabi ko.
Tumingin sya saakin ng nakakaloko. "Joke!" bulalas nya. "Nagpa-practice lang akong sumigaw.."
"Really?" di makapaniwalang sabi ko. "Tsk!" napailing nalang ako. Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo ulit sa kusina. Ang akala ko pa naman ay manganganak na sya. Kabwanan na kasi nya. Sabi ng OB nya ay baka manganak na sya sa loob ng linggong 'to.
Kaya kanina nang marinig ko syang sumigaw ay nataranta talaga ako. Yun pala niloloko nya lang ako. Halos atakihin na ako sa sigaw nya. Napailing nalang tuloy ako. Ganyan naman sya lagi eh. Simula nung naglilihi sya hanggang ngayon. Dapat nasanay na ako na nagpa-practice syang sumigaw.
Eh nung nasa ika-apat na buwan na pagbubuntis nga nya ay ginawa na din nya yun. Sobrang taranta ko nun, kasi akala ko talaga manganganak na sya. Kaso niloloko nya lang pala ako. Tawa sya ng tawa nun.
Naramdaman ko ang pagdating nya dito sa kusina. Nagkunwari ako na hindi ko sya napansin. "Asawa ko.. Galit ka ba?" tanong nya sabay hawak sa braso ko. Umiling lang ako.
"Galit ka eh. Sorry na.." paglalambing naman nya.
"Hindi nga ako galit.. Umupo ka na. Kakain na tayo.." sabi ko nalang. Inilapag ko na ang kanin at ulam sa mesa. Nakita ko naman ang pag kunot ng noo nya. Siguro hindi sya kumbinsido na hindi talaga ako galit.
Pinaghila ko na sya ng upuan pagkatapos ay umupo na din ako sa tabi nya. Tahimik lang kami habang kumakain. Nakakunot parin ang noo nya. Hindi nalang ako nagsalita. Itinuloy ko lang ang pagkain ko.
Hindi naman kasi talaga ako galit eh. Inaasar ko lang din sya. Parusa nya yan dahil pinakaba nya 'ko kanina.
Natapos kaming kumain ng hindi man lang nag uusap. Agad syang tumayo at bumalik sa kwarto namin. Ako naman ay iniligpit na ang pinagkainan namin. Naghugas na din ako ng mga plato.
Mamaya ko nalang sya lalambingin. Ipapakita ko muna sakanya na nagtatampo ako.
Ngayon.. Masasabi ko na naging mas matatag kami ni Carla. Kahit na magkaroon man kami ng tampuhan ay agad naming naaayos yun. Hindi na ako gaya ng dati na hindi nagtitiwala sakanya.
Narealize ko kasi na sa relasyon.,hindi lang pwede na mahal mo lang ang tao. Dapat nagtitiwala ka din sakanya. Kasi ang relasyon na walang tiwala ay parang wala lang. Mabilis itong masira.