Chapter 5

13.8K 258 17
                                    

Present time na din to :)

**

3rd Person

Hindi na ginulo pa ni Jim si Carla. Kung magkikita man sila, magpapansinan naman sila. Casual lang ang pakikiktungo nila sa isa't isa. Pero aminado naman sya na sinusundan nya ito kahit na saan pa sya magpunta. Ang gusto kasi nya ay laging ligtas ang babaeng mahal nya.

Alam nyang hindi na gusto ni Carla si Kyle. Dahil nandito na ulit si Yssa. At meron na silang anak ni Kyle. Halata naman na masaya si Carla para sa dalawa.. Gusto na rin lumapit ni Jim, pero mahina talaga ang loob nya.

"Yow.. Mag isa ka ata?" nilingon ni Jim ang nagsalita. Si Lester pala, isa sa mga matalik na kaibigan nya.

"Naiinip kasi ako.." simpleng sagot lang nya sabay lagok ng baso ng alak na hawak nya.

Sinamahan nalang sya ni Lester sa pag iinom. Nagkwentuhan din sila ng kung ano ano. Hanggang sa may mahagip ang mga mata nya.

Hindi sya maaaring magkamali. Alam nyang si Carla yun. Kabisadong kabisado nya ito. Para san pa ang lahat kung hindi nya kilala ang taong mahal na mahal nya, di ba?

Patuloy lang sa pagsaalita si Lester pero hindi na itinuon ni Jim ang atensyon nya sa kaibigan. Mas abala sya pagbabantay kay Carla. Mag isa lang ito. Gusto nyang lumapit pero hindi nya magawa dahil sa naduduwag nanaman sya. Naiinis sya sa sarili nya.

"Hoy, kanina pa ako nagsasalita. Hindi ka naman nakikinig.." reklamo ni Lester. Hindi sya pinansin ni Jim kaya tinignan nya kung saan nakatuon ang atensyon nya, at ayun, nakita nyang nakatitig sya kay Carla. "Ahh.. Kay pala.. Nakasulyap ka pala kay Carla.." dun lang napabalik sa katinuan si Jim. Nakangisi sakanya si Lester.

"Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin ha, pero halata kasi na may gusto ka kay Carla.."

Gusto? Gusto nyang matawa at sabihin na mahal nya si Carla at hindi lang yun simpleng pagka gusto.

Pinili nyang wag nalang umimik. At isa pa, wala na din naman syang alam sabihin sa kaibigan. Nagulat nalang sya nang biglang tumayo si Lester at tumungo sa kinauupuan ni Carla. Napakunot naman ang noo nya. Anong gagawin ni Lester? Sa isip nya.

Pinagmasdan nya lang si Carla na mukha ding nagulat sa paglapit ni Lester. May binulong si Lester, gusto nyang malaman kung ano yun. Mukhang nagulat pa kasi si Carla at biglang tumingin sa direksyon nya. Automatikong napaiwas sya ng tingin. Nahiya sya bigla. Ano nga ba kasi ang binulong ni Lester kay Carla?

Maya maya ay bumalik na si Lester sa kinauupuan nila, iniwan na nya si Carla. Tahimik lang syang umiinom. "Anong sinabi mo sakanya?" kunot noong tanong ni Jim.

Tumawa ng bahagya si Lester at ininom muna ang alak nya bago magsalita. "Sinabi ko lang naman sakanya na...." binitin pa nya ang sasabihin nya. "You're getting married.." nanlaki ang mga mata ni Jim sa sinabi ni Lester.

Hinigit nya ang kwelyo nito. "Fck! Bakit mo sinabi yun?" gigil na tanong nya. Gusto nyang suntukin ang kaibigan ngunit naglipigil lang sya.

Silent LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon