Chapter 4

12.6K 281 8
                                    

Nanghihinang napaupo nalang ako sa kama ko. Napasabunot ako ng buhok ko. Ano ba ang ginawa ko? Bakit ba kasi bigla ko nalang syang hinalikan? Masyado akong nadala sa mga pangyayari.

Napahiga nalang ulit ako. Hindi na ako magtataka kung iiwasan na ako ni carla pag nagkita ulit kami. Sa ginawa ko ba naman? Malamang hindi sya natuwa dun.

Bakit ba kasi ang pipi ng puso ko? Bakit hindi ako maging katulad ng mga kaibigan ko na kayang sabihin ang mga nararamdaman nila sa isang babae. Bakit ako, hanggang ngayon naduduwag parin pag nasa harapan ko na si Carla.

Humiga nalang ako at itinakip ang dalawang kamay ko sa mukha. "Ang gago mo Jim!" asik ko sa sarili.

**

"Oh. buti nandito ka?" tanong ni Vince sa akin. Nandito kasi ako sa bar nya eh. Hindi ko alam kung paano ako napadpad dito.

Ang ala ko lang ay dinala ako ng mga paa ko dito. Kanina pa kasi ako wala sa sarili. Iniisip ko parin yung ginawa ko kay Carla.

"Wala. Gusto ko lang uminom.." sabi ko sabay lagok ng baso na may alak. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak, pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ako malalasing.

"May problema?" tanong nya ulit. Tinignan nya ako ng seryoso. Tumingin din ako sakanya pero nag iwas din agad ako ng tingin.

"Kahit naman meron, hindi parin natin yun magagawang solusyunan.." natawa ako ng mapakla.

Ano ba naman 'tong mga pinagsasa-sabi ko?

"So meron nga.. Ano, babae ba yan?"

Napabuntog hininga nalang ako. "Hayaan mo na. Wala namang pag asa eh.." pinaikot ko ang yelo sa baso ko. 

Hindi na ako sinagot ni Vince. Nag isip nalang ako ng mga dapat kong gawin. Siguro tama na muna. Titigilan ko na muna ang pagsunod kay Carla.

Alam ko naman na wala akong pag asa kasi si Kyle ang gusto nya. Talo na ako ng lalaking yun. Isag text nya nga lang kay Carla, agad pupunta na sya. Samantalang ako? Wala.. Hindi nya napapansin.

"Pare.. Una na ako ha. May dadaanan pa kasi ako." sabi ni Vince bigla. Tumango nalang ako sakanya at ngumiti ng tipid. "Kaya mo yan.." dagdag pa nya sabay tapik sa balikat ko.

Sana nga kaya ko.

Uminom nalang ako mag isa. Pinagmamasdan ko ang mga taong nagsasaya. Buti pa ang mga to mukhang walang problema.

"Hi.. Alone, dear?" natigilan ako ng may tumabing babae sa akin. She's wearing above the knee dress. Litaw na litaw ang legs nya. Hindi ko sya sinagot. Wala akong balak makipag usap sakanya.

"Hm.. Mukhang suplado ka ah.. But I like it.." sabi nya sabay himas sa hita ko. Sinamaan ko sya ng tingin at inis na tinanggal ang kamay nya sa hita ko.

Silent LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon