"Jim, nasaan ka?" bungad sa akin agad ni Vince. Ano nanaman kaya ang kailangan ng lalaking to?
"Bahay." tipid na sagot ko lang.
"Punta kang bar. Dali.."
"Ano naman gagawing ko dyan?" tanong ko.
"Basta. Dali na kasi.." pilit nya.
"Ayoko.. Bahala ka dyan." panigurado kasi mag aaya lang tong mag inuman. Ayaw ko na ngang uminom masyado eh.
Akmang ibababa ko na ang tawag ng magsalita ulit sya. "Tsk. Ge na. Kay Arnold ko na nga lang ipapasundo si Carla.." sabi nya. Parang nabuhay ang dugo ko sa katawan ng sabihin nya ang pangalan ni Carla.
"N-nandyan si Carla?" pinilit kong gawing kalmado ang boses ko, pero sa totoo lang na-excite ako bigla.
"Kakasabi ko lang ga diba? Ge na. Tatawagan ko pa si Arnold.."
"Wait.." pigil ko. "Ako ng magsusundo sakanya.." yun lang ang sinabi ko pagkatapos ay agad na akong umalis.
Malamang uminom nanaman ang isang yun. Kailangan ko pa bag isipin kung bakit? Malamang dahil lang naman kay Kyle.
Naaawa na ako kay Carla. Hindi man lang sya napapansin ni Kyle. Dahil hanggang ngayon kay Yssabelle parin talaga ang buong atensyon nya.
Agad akong nakadating sa bar ni Vince. Dali dali ko silang hinanap. Buti nalang nagla-lagi dito si Carla at hindi sa ibang bar. Atleast alam kong mas safe sya dito dahil nandito si Vince.
"Anong nangyari?" tanong ko agad kay Vince. Nakaupo sya sa tabi ni Carla. Habang si Carla naman ay nakasubsob ang mukha sa may counter. Natutulog na ata.
"Ewan eh. Naparami ata ng inom. Si Kyle nga dapat ang kokontakin ko, kaso out of reach eh." kibit balikat a sagot nya.
Hindi na ako nagsalita. Lumapit nalang ako kay Carla. Hinawakan ko sya sa balikat at marahan naman nyang inangat ang ulo nya. Mapungay na ang mga mata nya. Halatang inaantok na.
"O-ooh.. Hi! H-hi Jim.." patawa tawang sabi nya habang tinatapik ako sa balikat.
"Tara, hatid na kita sainyo." sabi ko nalang.
"No.. Dito muna tayo.." sabi nya naman. Tinapik nya pa ang bakanteng silya na nasa tabi nya. Napatingin ako kay Vince. Napailing lang sya pagkatapos ay umalis na.
Umupo nalang ako sa bakanteng silya at tinignan si Carla. She looks very fragile, na kahit anong oras ay pwede syang masaktan..
"Tell me Jim, is it wrong to.. love my b-bestfriend's.. ex-boyfriend?" pautal utal na tanong nya. Mataman syang nakatingin sa akin.
Umiling lang ako sa tanong nya. Pero sa tingin ko dapat hindi nalang, dahil nakita ko na naging basa ang magkabilang mata nya. Sensyales na umiiyak nanaman sya.
Umiiyak nanaman ang mahal ko.
Hinaplos ko ang likuran nya. "Shh.. Tama na Carla." pag aalo ko saknya. Hindi nya ako sinagot. Patuloy lang sya sa paghikbi.
Ano bang dapat kong gawin para hindi na maging malungkot at masaktan ang babaeng mahal ko? Sana kasi ako nalang ang mahalin nya eh.
Nang mapansin kong banayad na ang paghinga nya ay naisipan kong buhatin na sya palabas. para bang bagong kasal kami. Napailing nalang ako sa naisip ko.
**
"N-nasaan ako?" napamulat ako ng may magsalita sa tabi ko. Si Carla pala. Nakatulog pala ako sa tabi nya.
"Oh, hey. Gising ka na pala." umupo ako sa tabi nya. Ganun din naman sya. Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.
"Jim, ang sabi ko nasaan ako?" tanong nya ulit.
"Ahh.. Dito sa bahay. Hindi kita mauwi sainyo dahil sa lasing ka." sagot ko.
"May nangyari ba sa atin?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "Ha? Ano.. W-wala.." utal na sagot ko. Wala naman talagang nangyari. Yung damit na suot nya kagabi ay yun parin naman ang suot nya. Tsaka hindi ko magagawa ang bagay na yun ng hindi nya alam. Malaki ang respeto ko sakanya.
"Totoo?" nagdududang tanong nya.
"Oo.. Wala talaga." sagot ko habang umiiling iling.
Napabuntong hininga sya. "Dapat inuwi mo nalang ako sa amin, Jim.." tumayo sya bigla. Pero napahawak sya sa ulo nya. Mukhang sumakit din ata. Mabuti nalang at mabilis akong nakatayo at nasalo ko sya bago tuluyang matumba.
Pareho kaming nagkatinginan. Mukhang gulat pa nga sya sa mga pangyayari eh. Napatingin ako sa labi nya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Parang hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko na sya. Damang dama ko ang kuryente na dumadaloy sa dugo ko ng maglapat ang mga labi namin.
Inangat ko sya ng kaunti para makatayo sya. Hindi ko parin inilayo ang labi ko sakanya. Hindi naman ito gumagalaw, nakadikit lang. Dinadama ko ang lambot ng labi nya.
Nabalik nalang ako sa pagkatao ko ng bigla nya akong itulak.
"J-jim!" singhal nya.
Napayuko ako. "I.. I-i'm sorry. Hindi ko lang.. H-hindi ko mapigilan.." sagot ko. Bigla akong nahiya ng dahil sa ginawa ko. Hindi ko lang naman kasi mapigilang halikan ang babaeng mahal na mahal ko.
Lalapit sana ako sakanya, pero pinigilan nya ako. "Please.. Dyan ka lang.. Aalis na ako." malamig na sabi nya. Ni hindi man lang sya nagpakita ng kahit na anong emosyon. Mas gusto ko pa ata na magalit sya kesa ganun syang makitungo sa akin.
Bakit ganun? Parang lahat ng ginagawa ko ay nagiging dahilan para mas maging malayo sa akin si Carla.
**
-Kerbs