Chapter 18

11.7K 237 15
                                    

Carla

"Hanggang kailan mo sya iiwasan?" tanong ni Kuya Greg saakin.

"Hindi ko alam.." iniwas ko ang tingin ko sakanya.

Sa totoo lang, nahihiya na ako kay Kuya Greg. Dito kasi ako nakikituloy sa condo nya. Hindi naman kami nagtatabi dahil sa may living room sya natutulog.

Ayaw ko naman kasing tumuloy saamin dahil alam ko na pupunta dun si Jim. Tinatawagan na nga ako nina Mama. Tinatanong nila kung saan daw ba ako ngayon. Hindi ko muna sila sinasagot. Hindi pa ako handang sabihin sakanila ang kalagayan ko.

Hindi na kami nag imikan ni Kuya Greg. Nag paalam nalang ako sakanya na magpapahinga na muna ako sa kwarto. Gusto ko kasing magpahinga muna.

I'm tired physically and emotionally.

Humiga na ako sa kama. Naaalala ko nanaman ang mukha ni Jim kanina. Halatang nahihirapan na din sya na ganito kami. Handa naman akong patawarin sya dahil alam ko na nadala lang sya ng galit at selos. Kaso pag tinitignan ko ang mga mata nya, naaalala ko ang hindi nya pag ako sa anak namin.

Ang sakit isipin na magkasama naming binuo ang bata, pero ng dahil lang sa selos nya ay hindi nya ito ituturing na kanya. Kung nakakaintindi lang ang anak namin ng sabihin yun ni Jim, malamang ay masasaktan sya.

Limang linggo na akong buntis. Iniisip ko nga kung kaya ko ba na ganito ako.

Kaya ko ba na wala si Jim? Yan ang madalas na tanong ko sa srili ko.

Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay nandito lagi sa tabi ko si Kuya Greg. Nahihiya na din ako sakanya. Kasi ang kapatid dapat nya ang gumagawa ng mga bagay na ginagawa nya saakin. Gaya nalang ang pagsama sa bawat check up ko.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone ko. Nakapagdesisyon na ako. Kailangan ko ng kausapin si Jim. Hindi ko na kayang tiisin pa 'to.

Nakaka isang ring palang ako nang sagutin na nya ito kaagad. Para bang ine-expect talaga nya ang pag tawag ko. "H-hello.. Carla? Oh God! Buti tumawag ka.. Bumalik kana saakin.. P-please. I miss you.." nanginginig ang boses nya. Tila kakagaling lang nya sa pag iyak.

"Mag usap tayo.. Pupuntahan kita sa condo mo.." casual na sabi ko. Napalunok ako ng dahil dun. Buti hindi naginig ang boses ko. Malapit na din kasi akong umiyak eh.

"Really? Kakausapin m-mo na ako?" tila nabuhayan sya ng loob sa sinabi ko. "Saan ka ba? Pupuntahan nalang kita para h-hindi ka na mapagod..." alok pa nya.

"No.. K-kaya ko.." yun lang ang sinabi ko at ibinaba na ang tawag. Nag ring ulit ang phone ko. Si Jim ang tumatawag. Hindi ko nalang sinagot dahil magpipilit yun na sunduin ako. Malalaman nanaman nya na nasa condo ako ng Kuya nya. Baka magwala nanaman sya.

Inayos ko na muna ang sarili ko bago ako umalis. Nag paalam na din ako kay Kuya Greg. Tinatanong nya kung saan ako pupunta ang sabi ko nalang ay may importante akong aasikasuhin. Gusto nga nya ay ihatid nya ako, kaso tumanggi ako.

Silent LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon