Chapter 6

13.6K 267 14
                                    

Carla

Ang bigat ng pakiramdam ko nang buksan ko ang mga mata ko. Napatingin ako sa tabi ko. At literal na nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang mga nangyari kagabi.

Oh my gosh.

May nangyari na talaga saamin ni Jim. Unti unti akong gumalaw, kaso hinapit nya ang bewang ko. Ramdam na ramdam ko sya sa gilid ko!

"Goodmorning.. Hmm.. Ang bango bango mo.." bati nya habang sinisiksik ang mukha nya sa leeg ko. Nakikiliti ako!

Pinilit kong lumayo mula sa pagkakayakap nya. Medyo awkward ata ang posisyon namin. Tsaka, wala kaming damit. Hindi ako sanay.

"J-jim.. Ano.. Tara, tumayo na tayo.." mahinang sabi ko. Patuloy lang kasi sya sa pagsiksik sa leeg ko. Nakikiliti talaga ako sa ginagawa nya.

Iniharap nya ako patungo sakanya. "Ang ganda ng gising ko.." nakangiting sabi nya tapos hinalikan ako sa noo. Namumula na ata ako ng dahil sa ginawa nya.

"Tara.. Bihis na tayo.." aya nya. Tumayo na sya kaya napapikit agad ako. Ano ba naman ang lalaking to, hindi ba sya nahihiya ipakita saakin na ganyan lang sya? Kasi ako nahihiya eh!

"J-jim.. Magbihis ka nalang sa cr. Dalian mo. Dito na ako magbibihis.." nahihiyang sabi ko. Narinig ko lang ang pagtawa nya ng marahan tapos ay pinulot na ang boxer shorts nya sa may sahig. Buti naman at pumasok na sya sa cr.

Ako naman ay dali dali na din pinulot ang mga damit ko at nagbihis. Napatingin pa ako sa kama ni Jim. Merong dugo! Nakakahiya. Namantsahan ko pa yung bedsheet nya.

"Tara. Baba na tayo.." napahawak ako sa dibdib ko ng may biglang yumakap mula sa likuran ko. Kung makapanggulat kasi, wagas eh. Si Jim lang naman. Buti nalang nakapagbihis na agad ako, tsaka buti nalang din ay naka t-shirt na sya.

"M-may kasama ka ba dito sa bahay?" alanganing tanong ko habang pababa kami sa hagdan nila.

"Yup. Sina Dad.. Pero okay lang yan, excited na nga silang makilala ka.." nakangiting sagot nya saakin.

Uy, ang gwapo ni Jim. Nakakatulala ang kagwapuhan nya.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Hinila na kasi nya ako hanggang sa makadating kami sa dining area. Napayuko agad ako ng makita ko ang dalawang tao na kumakain. Mga magulang nya siguro..

"Goodmorning po.." bati ni Jim sakanila.

Nag angat na ako ng tingin at binati na din sila. "Hello po.. Goodmorning.." ngumiti ako ng tipid. Nakatulala lang sila saakin.

Umupo na kami ni Jim sa harapan nila. "Dad.. Mom.. Si Carla Javier po." pagpapakilala nya saakin.

Silent LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon