Carla
"Rise and shine, Mommy!" iminulat ko agad ang mga mata ko nang marinig ko si Gian na sumisigaw at panay ang talon sa kama namin ng Daddy nya. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.
"Oh, Gian.. Ang aga mo naman nagising?" tanong ko sakanya. Hinila ko ang kamay nya at pinaupo sya sa may kandungan ko.
"Kasi po Mommy, 3rd Anniversary nyo na ni Daddy!" masayang bati nya sabay yakap ng mahighpit saakin. Niyakap ko naman sya pabalik.
Oo nga pala. Anniversary namin ngayon ng asawa ko. Siguro, gaya din ng mga nakalipas ng taon magdi-dinner lang kami sa labas kasama ang makulit naming anak na si Gian. Ganun naman ang nakasanayan namin eh.
Kinarga ko na si Gian at bumaba na kami. Ang sabi nya kasi saakin, umalis daw ng maaga ang Daddy nya. Ang lalaking yun talaga, hindi man lang nya 'ko ginising. Hindi ko tuloy sya nabati. Sayang.
Di bale, mamayang gabi nalang siguro. Ayaw ko kasing i-greet lang sya sa text o tawag. Mas maganda parin pag personal.
Naghain na muna ako ng almusal namin ni Gian. Napapangiti talaga ako pag nakikita kong kumain ang anak namin. Katulad kasi sya ni Jim eh. Mahinhin. Lalo na pag kaharap namin ang ibang tao. Pero pag kami nalang ng Daddy nya ang kasama nya ay nagiging makulit at malambing sya.
Apat na taon na si Gian ngayon. Kasing edad nya ang bunso nila Yssa at Kyle na si Selene. Natatawa nga ako sakanilang dalawa eh, sila lang ang magkakilala pag nagkikita sila. Kinakalimutan na nila kami. Ang sabi nga ni Kyle at Jim, baka nga sila daw ag magkatuluyan. Sira talaga sila! Ang babata pa ng mga anak namin ipinagkakasundo na agad.
Wala namang kaso saamin ni Yssa kung sila nga ang magkatuluyan. Kaso hindi pa namin iniisip yun. Ang aga pa para isipin ang ganung bagay!. Ini-enjoy pa namin ang mga anak namin, lalo na ako dahil unang anak ko palang si Gian. Kaya nga madalang nalang din akong pumunta sa trabaho eh. Naiindintidahn naman ni Yssa yun..
"Mommy, try mo 'tong pancake.. Ang sarap!" sabi ni Gian saakin sabay subo ng pancake. Hindi naman ako tumanggi. Ang anak ko na ang naglalambing eh.
Totoo nga ang sinabi ni Yssa saakin nun na magiging kuntento ka na sa buhay mo pag nagkaroon ka na ng pamilya. Walang mas hihigit na saya ang makakatumbas dito.
Nagpalipas muna kami ng isang taon ni Jim bago magpakasal ulit sa simbahan. Ang araw na yun ang hindi ko makakalimutan. At ngayon, tatlong taon na nga ang lumipas pero parang kahapon lang ang lahat ng yun.
At sa bawat araw ng pagsasama namin ni Jim, pinaparamdam nya saakin at kay Gian kung gaano nya kami kamahal. Lalo na pagdating kay Gian, lahat ng gusto ay ibinibigay nya. Gusto kasi talaga nyang maging panganay ang magiging anak namin, mukhang pinakinggan naman ng Diyos ang hiling nya.
"Mommy, sa tingin mo ba magdi-dinner tayo sa labas mamayang gabi?" tanong ni Gian saakin habang inilalapag nya ang kubyertos sa plato nya. Tapos na pala syang kumain.
"Siguro.." sagot ko nalang sabay tayo para iligpit na ang pinagkainan namin.
Hindi ko nga alam kung magdi-dinner ba kami ngayon o hindi. Wala naman kasing binabanggit kagabi at nung mga nakaraang araw si Jim eh. Pero yun naman ang nakasanayan namin eh.
Buong araw ay nakipaglaro lang ako kay Gian. Nilulubos ko na nga eh. Kasi sa susunod na taon ay magaaral na sya. Sabay sila ni Selene.
**
"Mommy, wala pa din po si Daddy.." reklamo ni Gian. Kanina pa kasi namin hinihintay si Jim pero hanggang ngayon ay wala parin sya.
"Parating na siguro yun.." sagot ko nalang. Kahit na ang totoo ay hindi ko alam kung nasaang lupalop na sya ng mundo. Kanina ko pa sya tinatawagan, pero hindi nya sinasagot. Eh dapat, kaninang alas singko ay nandito na sya ng bahay. Yun naman ang oras ng uwian nya eh. Kaso anong oras na ngayon? Pasado alas otso na wala parin sya!