Simula nang magdate kami ni Jim nung Valentines ay mas naging close pa kami. Mas nakilala pa namin ang isa't isa. Meron din syang mga kapilyuhan na saakin lang nya ipinapakita. Sabi nya kasi, it's exclusive for my eyes. Daming alam eh.
Alam na din nina Yssa pati na din ng mga kaibigan ni Jim ang tungkol saamin. Inaasar tuloy nila si Jim, proud daw sila sa kaibigan nila dahil sa wakas ay nagkaroon na sya ng lovelife. Mga sira talaga yun.
Nasanay na nga din ako na palagi kaming magkasama. Para bang, kung walang Jim, walang Carla. Ganun ang drama namin.
Pag gabi naman, tatawagan nya ako. Wala naman kaming pinag uusapan. Nagpapakiramdaman lang. Hanggang sa makatulog na kami at paggising ko, ayun naka on parin ang tawag. Para kaming baliw.
Pero iba sa pakiramdam. Hindi nakakasawa. Para ngang hinahanap hanap ko yun. Siguro dahil masyadong mabait si Jim. Wala kasi akong makitang masamang ugali nya. Panatag na ang loob ko sakanya.
Papunta nga pala ako ngayon sa office ni Kyle. Kailangan kong sabihin yung nakita ko nung nakaraang araw.
Nakita ko ang kotse ni Stephen sa tapat ng gate nila. Natatakot ako sa pwedeng gawin ng lalaking yun. Buntis pa man din ngayon si Yssa. Ayaw kong may mangyaring masama sa bestfriend ko.
Pagdating ko palang ay pinapasok na agad ako ng sekretarya nya. Buti nga nabalik na sakanya ang kumpanyang to eh.
"Oh, Carla.. Ikaw pala.." bati nya pagpasok ko. "Upo ka.."
Umupo naman ako sa may bakanteng silya. "Kyle.. May sasabihin ako.." umpisa ko.
Nag ayos sya ng upo bago ako sagutin. "Ano yun?" tanong nya.
"About Stephen.. I saw him.." natigilan sya ng sabihin ko yun.
"Ha? P-paano?" sa tono ng pananalita nya ay parang kinakabahan sya.
Kinuwento ko sakanya kung paano ko nakita si Stephen nung araw na yun. Kasama ko nga si Jim nun eh. Dapat nga, pupuntahan na namin sila nung araw na yun. Kaso pinigilan ako ni Jim. Baka daw kasi madamay ako eh. Pero hindi ako mapakali. Actually, hindi nga alam ni Jim na pinuntahan ko si Kyle ngayon eh.
"Carla.. Wag mo munang ipapaalam kahit kanino ang nalaman mo.." pakiusap nya saakin pagkatapos kong ikwento ang lahat. Tumango naman ako bilang pagsagot.
Pinakiusap ko naman sakanya na wag nyang papabayaan si Yssa. At alam ko, gagawin nya yun. Knowing him? Sobrang mahal nya ang bestfriend ko.
"Nandito ka pala.." natigilan ako, maging si Kyle, ng marinig namin ang nagsalita. Napalingon kami sa pintuan. Si Jim pala.
Pero parang iba sya. Yung mukha nya, walang emosyon. May problema ba sya?
"J-jim.." sambit ko. Tumayo ako at lumapit sakanya. Nakatingin lang si Kyle saamin. "Anong ginagawa mo dito?"