Kaylee's POV
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga nangyari kanina sa school. Hindi ko inaasahan na magkakaganoon si Kenzo. Iba ang pagkakakilala ko sa kanya, simula noong bata pa kami ay ngayon ko lang sya nakitang manakit ng tao.
"Okay ka lang?" tanong ni Tyler.
Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng kotse nya habang nasa way kami pauwi. Tumingin sya sakin habang hawak yung phone nya na kanina nya pang hawak.
"Bakit?" matamlay kong tanong.
"Plano ko sanang mamasyal muna tayo para naman gumaan ang pakiramdam mo pero I just received a text message from Ashley, pinapakiusap nya sakin kung pwede kitang ibaba sa cafeteria sa malapit sa Sanford." aniya na parang nanghihinayang pa.
"Eh? Bakit daw?"
"Wala syang sinabi eh, basta sabi nya ihatid daw kita sa cafeteria malapit sa Sanford. Alam mo naman yun, ayaw nya ng maraming tanong hahaha."
'Hahaha oo nga naman. Ayaw kasi talaga ni Ate Ashley ng makulit.'
"Ah okay, let's go?" usal ko pero inihinto nya ang kotse sa tabi ng kalsada.
"Alam kong hindi ka okay ngayon." panimula nya. Hinawakan nya ang mga kamay ko at tumingin sa mga mata ko.
"Sorry dahil nagkakaganyan ka. Hindi ko naman gusto ng away Kaylee pero hindi ko talaga naiwasan kanina. Ayaw kong nalulungkot ka ng ganito dahil sakin. Wag mo ng kami isipin ni Kenzo, don't worry everything will be alright. Please be okay." aniya. Para namang hinaplos ang puso ko sa mga sinasabi nya.
'Concern talaga sya sakin.'
Tumango na lang ako samantalang sya naman ay nagdrive na para ihatid ako sa cafeteria malapit sa Sanford.
"Thanks for today. Ingat ka pauwi ha?" usal ko at binigyan sya ng ngiti.
Ngumit rin sya. "Sige ikaw rin. Text ka sakin kapag nakauwi ka na."
"Kaylee!" tawag ni Ate Ashley na papalapit samin.
"Tagal ah, bagal mong magdrive!" pang aasar ni Ate Ashley kay Tyler.
"Ikaw na bahala sa kanya ha. Sunduin ko pa ba kayo dito?" usal ni Tyler.
"Wag na Tyler. Ingat ka pauwi." ani ko.
"Sige salamat Ty! Ako na ang bahala sa mi amore mo, don't worry." sambit ni Ate Ashley sabay kindat kay Tyler.
'Mi Amore? My love ang meaning nun ah.'
"Mi Amore means my love, lil sis!" usal ni Ate ashley sakin habang papasok kami loob ng cafeteria.
Umupo sya at pinaupo nya rin ako. "So ano na ang plano mo ngayon?" tanong nya.
'Plano? Wala akong naiisip na plano.'
"Alam mo mahirap talaga ang sitwasyon mong yan. Napakahirap maipit sa dalawang tao na wala namang ibang gustong gawin kundi ang mahalin ka lang. Pero pano mo mapapaglabanan ang lungkot kung walang kang planong gawin sa problemang ito?" napabuntong hininga na lang ako.
"Ang hirap kasi Ate Ashley, akala ko tapos na ang hirap, akala ko hindi na ako mahihirapan at iiyak."
"Shhhh. Be strong Kaylee."
"Pinaka ayaw ko sa lahat ang ganito, yung nakakasakit ako ng damdamin ng ibang tao. Ayaw kong saktan ang damdamin ni Kenzo dahil alam ko na kung ano ang pakiramdam ng nasasaktan. Hindi ko naman na kaylangang pumili sa kanila dahil kaibigan lang talaga ang turing ko kay Kenzo, pero ang ikinatatakot ko ay baka kapag nasaktan ko sya, baka mawala na ang friendship namin at baka kung anong mangyari sa kanila." sambit ko. Nangingilid na ang luha ko pero pilit ko itong pinipigilang pumatak. Gusto kong magpakatatag dahil alam kong hindi dapat inuuna ang kahinaan sa gantong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
I WILL ALWAYS LOVE YOU Season Two
Teen FictionSEASON TWO Matapos ang mga hirap, sakit at paghihintay na dinanas ni Kaylee habang patuloy na minamahal si Tyler ay bigla na lang nagbago ang lahat. Ang dating best friend lang ang turing sa kanya ay mahal na rin sya. Ngunit paano sila mabubu...