Tyler's POV
"Hindi ako papayag!" sigaw ko.
Malakas na hinampas ni Mr. Gomez ang officet table niya. "Wag kang magmatigas dahil hindi mo alam ang maari kong gawin sa babaeng kinababaliwan mo." Seryoso niyang sambit na ikinagulat ko naman.
"Su-Subukan ninyong saktan si Kaylee, ako na mismong anak ninyo ang makakalaban niyo." Pagmamatigas ko.
"Kung ganoon, sundin mo na ang utos ng ama mo para hindi siya masaktan." Usal ni Mrs. Mendoza na kanina pa palang nanonood sa amin ng ama ko.
"Be good so that she'll be safe." Seryosong usal ng ina ni Alison.
"Be ready, magsisimula na ang party in 30 minutes. Susundin mo kami kung gusto mong walang mangyari sa Kaylee mo." Sarkastikong sambit ng ina ni Alison.
Lumabas ako ng kwarto kong lumuluha. Ano pang laban ko sa kanila?! Ano pang magagawa ko para hindi matuloy ito?! Nasaan ka na kasi lolo?
Ayokong malagay sa kapahamakan ang buhay ni Kaylee. Hindi ko kayang Makita siyang nasasaktan pero mas pipiliin ko nang makita siyang nasasaktan ngayon kesa naman sa mapahamak pa siya dahil lang sa akin.
'I'm sorry Minion ko.'
"Ibalik sa kanya ang microphone, gusto ko pang pakinggan ang susunod niyang sasabihin." Sambit ng isang napakapamilyar na boses.
'Lolo?!'
"Ituloy mo ang sasabihin mo, apo ko." Usal niya at naupo sa silyang malapit sa stage.
Nakangiti akong humarap sa mga tao. Makikita sa mga mukha nila ang pagkalito samantalang may pagkainis naman sa mukha ng pamilya ni Alison lalo na sa ina niya.
"Ngayon, alam kong magkakatotoo na ang pinapangarap kong iyon. Matutuloy na ang kasal na pinapangarap ko, yung maikasal ako sa babaeng mahal ko. Mahirap pilitin ang ayaw ika nga. Maraming salamat at dumating ka Lolo." Usal ko.
Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Kaylee pero hindi ko siya nakita. "Kaya naman, wala ka man dito mahal ko, gusto kong sabihin sayo na patuloy kitang mamahalin hanggang sa pagtanda nating dalawa. I love you, Minion." Nakangiting sambit ko.
Laking gulat ko ng biglang magsitayuan sina Lester habang nakangiti at pumapalakpak pa. Mas napangiti pa ako ng makita ko si Kaylee na nakaupo at nakangiti lang din sa akin.
Kinuha ni Lolo sa akin ang microphone na hawak ko. "That's all for tonight, good evening everyone. Thank you for coming. God bless you all." Usal ni Lolo.
Matapos sabihin ni Lolo iyon ay unti unting nagsi-alisan ang mga tao dito sa garden naming. Bawat isa ay may tanong sa kanilang mga mukha habang umaalis ditto sa garden namin.
"Anong ginawa ninyo?!" tarantang tanong ni Mr. Gomez
Nginitian lang siya ni Lolo. "Helping you, I guess?" usal niya.
"Anong tulong iyon Papa?" nalilito naming tanong ni Mommy.
"Tulong para sa kompanya." Sagot niya.
Nakaramdam ako ng saya at pagkapanatag ng loob ko dahil sa sinabi ni Lolo. Akala ko ay iiwan niya na ako at hindi niya na ako tutulungan pero eto, dumating siya on time.
BINABASA MO ANG
I WILL ALWAYS LOVE YOU Season Two
Novela JuvenilSEASON TWO Matapos ang mga hirap, sakit at paghihintay na dinanas ni Kaylee habang patuloy na minamahal si Tyler ay bigla na lang nagbago ang lahat. Ang dating best friend lang ang turing sa kanya ay mahal na rin sya. Ngunit paano sila mabubu...