Chapter 55

52 9 3
                                    

Tyler's POV 

"Ang aga mong umalis ah?" tanong ni Ate Trisha habang naghahanda ng breakfast nya.

Ngumiti ako. "Excited kasi akong pumasok." usal ko. 

"Nako Tyler alam ko na ang mga ganyang ngiti. You're inlove, aren't you?" tanong nya. 

'Kilalang kilala mo ko hahahahaha kapatid talaga kita!'

"Yes, I am." proud ko pang sagot.

"Nako ha! Pag aaral muna bago love." paalala nya. 

Ngumiti ulit ako. "Hindi ko ba pwedeng pagsabayin yon? Dahil mas ginaganahan akong mag aral nang dahil sa kanya." 

"Eh naman. Ewan ko sayo. Sige pasok na!" 

"Ba't ikaw ang gumagawa ng breakfast mo? Hayaan mo na sina manang ang gumawa nyan." sambit ko.

"Mas masarap kumain ng pagkain na ikaw mismo ang nagluto." Aniya habang nakapamewang pa.

"Sus, dami mong alam hahahaha. Sige, bye!" usal ko.

Nakangiti akong napatingin sa radio ng kotse ko dahil sa kantang nagpaplay dito. 

🎶"If I had to live my life without you near me
The days would all be empty
The nights would seem so long
With you I see forever oh so clearly
I might have been in love before
But it never felt this strong ."🎶

Naalala ko bigla yung nangyari kagabi habang nagdidinner ako kasama sina Kaylee.

Flashback...

"So I heard na pumayag na si Ken sa panliligaw mo Tyler?" ani Tita habang kumukuha ng ulam.

"Ah opo Tita. Buti na nga lang po pumayag sya." nakangiti at mabilis kong sagot.

Nginisian naman ako ni Ken samantalang si Kaylee ay nakatingin lang sakin na parang may iniisip pa.

"Pumayag ako dahil naawa ako sayo hahahaha!" pang aasar ni Ken sakin.

"Manang! Wag mo agad sasagutin yan ha, pahirapan mo hahahahaha!" dagdag pa nya. Agad akong napatingin kay Kaylee. Napansin kong lahat kami ay nakatingin sa kanya.

"Bakit ko pa patatagalin kung makikita ko naman agad na sincere sya at seryoso sakin, edi sasagutin ko na." aniya.

'Kaylee naman oh hahahahahahahahahahaha'

Para namang hinaplos ang puso ko sa sinabi nya. Akala ko ay sasabihin nyang "Oo pahihirapan ko yan Kuya." pero  iba ang sinasabi nya. Hindi ko naiwasan ang mapangiti dahil sa sinabi nya.

Lumapit ako sa kanya at tumapat sa tenga nya. "Kinikilig ako sa sinabi mo, minion ko." bulong  ko  habang nakangiti.

"Ku-Kumain ka na nga." naiilang nyang sambit.

'Hahahahahaha Kaylee naman oh! Wag ka nga ring kiligin, ako lang dapat hahahaha.'

Nang natapos kaming kumain ay nagpaalam na ako kina Tita. 

"Tita, Yaya, alis na po ako." ani ko.

Nginitian nmana ako nila. "Sige hijo, ingat ka," sabi ni Yaya.

"Tyler, pwede ba tayong mag usap sa labas bago ka umalis?" sambit ni Tita Karen.

"Sige po tita, magpapaalam po muna ako kay Kaylee. Nasan po sya?" tanong ko. 

"Nasa kwarto nya." sagot ni Ken.

"Sige, puntahan mo na at magpaalam ka na Tyler, doon na lang tayo sa gate magkita ha?" usal ni Tita.

I WILL ALWAYS LOVE YOU Season TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon