Chapter 56

50 9 4
                                    

Kaylee's POV

Mabilis kaming lumabas ng sinehan at nagtungo sa bahay nina Kenzo. Sinabi ko kina Kuya Ken na wag ng sumama sakin pero hindi nya ako pinayagan na mag isang pumunta doon. Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni Tyler at papunta kami sa bahay nina Kenzo.

"Minion, wag kang mag alala. Magiging okay din sya." usal ni Tyler habang nakatutok lang sa pagdadrive.

Napabuntong hininga na lang ako. "Sana nga." usal ko.

Pagkarating namin ay kaagad kaming pinapasok sa loob ng mala-mansyon nilang bahay. Natanaw ko agad si Ma'am Celine na nakahawak sa ulo nya habang nakatungo. Siguro ay kakauwi nya lang galing school dahil nakauniform pa rin sya.

"Ma'am, andito na po si Ma'am Kaylee." usal ng isa sa mga katulong nila na nagpapasok sa amin dito sa loob ng bahay nila.

Bahagyang tumunghay si Ma'am Celine at saka kami tinignan isa isa. Kinabahan naman ako nang tignan nya kami ni Tyler ng matagal. 

Umiiyak pa rin sya kaya nilapitan ko sya. "Ma'am Celine ano pong nangyayari?" tanong ko.

Niyakap nya ako saka nagsimula ulit umiyak. "Please help my son Kaylee. Ikaw lang ang paulit ulit na binabanggit nya." aniya. 

Hindi ko maiwasan ang kabang nararamdaman ko dahil hindi ko inaakalang magkakaganito si Kenzo.

"Naghalf-day sya kanina sa school. Ang buong akala ko ay masama ang loob nya dahil bumagsak sya kaya sya naghalf-day pero nang dumating ako dito sa bahay, sabi ng mga maids na hindi pa lumalabas si Kenzo sa kwarto nya simula kanina at sa tuwing kakausapin nila ito at papakiusapang lumabas ng kwarto nya ay tanging pangalan mo lang ang binabanggit nya." mas lalo ko syang niyakap dahil sa mga sinasabi nya. 

'Ano ng gagawin ko ngayon?'  

Nang kumalas ako sa pagkakayakap kay Ma'am Celine ay kaagad akong tumungo sa harap ng kwarto ni Kenzo. 

"Ayaw naman nyang sumagot eh." nag aalalang sambit ni Leigh.

Nasa harapan kami ng pinto n Kenzo. Walang tigil ang pagkatok at pagsasalita nina Kuya Warren dito.

"Pre, nandito ang barkada. Pwede ba kaming pumasok?" sambit ni Kuya Ken. 

Sabay sabay bumagsak ang balikat namin dahil buong akala ko ay kakausapin na nya kmai kapag narinig nyang si Kuya Ken na ang kumakausap sa kanya.

"Kenzo? Please papasukin mo na kami. Nandito kaming lahat sa labas ng kwarto mo. Talk to us please." usal naman ni Sandra.

"Kompleto kayo?" nabigla naman kaming lahat ng bigla syang magsalita kaya mas lumapit kaming lahat sa pinto para mas marinig ang sinasabi nya.

"Oo pre." sagot agad ni Lester.

"Edi nandyan si Tyler?" sarkastiko nyang tanong.

"Oo Kenzo nandito ako."  sagot ni Tyler. Nabigla kami ng makarinig kami ng ingay na parang nabasag na bagay.

"Kenzo! Please don't be like this!" nagpapanic na sina Aimee.

"Bakit nyo pa isinama yan?! Hindi ko sya kelangan dito sa bahay ko!" sigaw nya saka ulit may narinig kaming ingay na parang nababasag.

"Kenzo please! We're here to help you." naiiyak ng sambit ni Aimee. 

Nanatili akong blanko. Wala akong masabi at hindi ko magawang magsalita. Hindi sya ang Kenzo na nakilala ko. 

"Hindi ko kayo kelangan! Si Kaylee lang ang kelangan ko, so please umalis na kayo!" sigaw nya.

Naglakad ako palapit sa pinto. "Papasok ako Kuya Ken." ani ko na ikinagulat naman nila lalo na ni Tyler.

I WILL ALWAYS LOVE YOU Season TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon