Chapter 61

53 4 1
                                    

Tyler's POV

"Maaari kitang tulungan pero maaari mo rin bang pagbigyan ang hihilingin ko sayo, apo?" tanong ni Lolo.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi ni Lolo. Alam kong kundisyon nya ito bago nya ako tulungan. Pero wala na akong magagawa, anumang kundisyon iyon ay gagawin ko para lang hindi matuloy ang pesteng kasal na yon.

"Kahit ano po Lolo." usal ko.

"Titira si Aera sa bahay nyo."

Hindi ako nakapagsalita. Oo, hindi ako galit kay Aera pero hindi ko pa sya ganoong tanggap bilang kapatid ko dahil hindi pa rin nagsisink in sakin ang mga nangyayari. Hindi ko sya kinamumuhian pero hindi ko pa rin sya kayang ituring bilang kapatid ko lalo na't naaalala ko ang pag iwan samin ni Mr. Gomez at sya ang bunga ng kasalanan ng ama ko at ni Ma'am Celine.

"Lolo..." usal ko.

Lumapit sakin si Lolo at hinawakan ang kamay ko. "Halos 16 years syang hindi nakakaramdam ng kalinga ng isang magulang, alam mo kung ano ang pakiramdam ng walang ama na kasama. Paano pa kaya itong si Aera na walang kasamang ina at tanging ako lang ang kasama nyang lumaki." paliwanag ni Lolo.

"Jehbahl Tyler. I want to be with abeoji." usal ni Aera na nakatingin sakin.

(Translation: "Please Tyler. I want to be with Daddy.")

Siguro naman ay hindi ito magiging problema sa pamilya namin dahil sinabi na rin naman ni Lolo na welcome daw si Aera sa bahay sabi ni Mommy.

"Sige po Lolo, payag na po akong tumira si Aera sa bahay." usal ko na kaagad namang ikinasiya ni Lolo at ni Aera.

Dahil sa saya ay niyakap ako ni Aera. "Neomu keun hyeongnim, gomawoyo!" masaya nyang sambit. Napatingin naman ako kay Kaylee na nakangiting nakatingin samim at sumesenyas pa sakin na yakapin ko daw si Aera pabalik, kaya naman ginawa ko kaagad.

(Translation: "Thank you so much Kuya!")

"Pero sana naman wag mo na akong koreanahin dahil walang makakaintindi sayo kapag nasa bahay ka na nakatira." usal ko.

Tumawa si Lolo. "Abeoji knows how to speak and understand Korean." usal ni Aera na bumalik na sa pagkakaupo nya sa tabi ni Kaylee.

"Kelan po sya lilipat samin?" tanong ko kay Lolo.

"Saka na muna kapag tapos na ang problema about dyan sa engagement na yan." usal ni Lolo.
"Aera, meonjeo geunyeowa hamkkeissda, arasso?." usal na Lolo na hindi ko naman maintindihan ang pinagsasasabi nya.

(Translation: "Aera, be with her first, okay?")

"Waeyo?" tanong ni Aera na wari ko ay bakit ang ibig sabihin non.

"We'll just talk." usal ni Lolo na tinutukoy ay ako.

"Ye hal-abeoji." sambit ni Aera at inanyayahan si Kaylee na umakyat sa taas.

"Gaano katagal na kayong magkakilala ni Kaylee?" tanong ni Lolo.

Nginitian ko sya. "Una po kaming nagkakilala sa shop namin sa Europe, nakakatawa nga po kasi unang pagkikita pa lang namin ay kinamumuhian nya na ako."

Tumawa si Lolo. "Hahaha! Bakit naman?"

"Binibili nya po kasi noon yung natirang limited edition na teddy bear, reserved na po yun ni Ate Trisha. Nagalit po talaga sya sakin kasi inasar ko pa hahaha! Hanggang sa magtransfer po ako sa Sanford at hindi ko inaasahan na doon din pala sya sa nag aaral." usal ko.

I WILL ALWAYS LOVE YOU Season TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon