Chapter 52

72 14 29
                                    

Tyler's POV

Masaya at masigla akong bumangon ngayong umaga. Pero syempre kinuha ko muna ang cellphone ko para itext si Kaylee. Pakiramdam ko ay sasabog sa saya ang puso ko ngayon. Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kagabi, noong hinalikan ko si Kaylee sa noo.

'Paksheeeet sinong hindi kikiligin! Hahahahahahahahahahahahahaha!'

Mabilis akong naligo at nagayos ng aking sarili. Syempre hindi sapat ang pogi ka lang, dapat napakapogi. Pagkatapos kong magprepare ay mabilis na akong nagbreakfast, mabuti na lang at may nakahanda na agad sa lamesa na pagkain kaya naman nakatulong sa pagmamadali ko.

Nakarating agad ako sa bahay ni Kaylee dahil nasa iisang village lang naman kami. Aaminin ko na kabado ako ngayon dahil ngayong umaga ko rin planong hingin ang permiso ng parents ni Kaylee.


"Good morning po Yaya!" masiglang bati ko. Hindi na ako bago dito sa bahay nina Kaylee dahil dito rin kami madalas tumatambay. Pero halata ko ang pagkagulat ni Yaya nang makita nya ako.

"Magandang umaga hijo, pasok ka." aniya at saka naman ako pumasok.

'KABADO!!'

"Nandito po si Tyler!" usal ni Yaya. Tanaw ko na agad sina Ken na kumakain sa dining area nila.

"Good morning po Ma'am Karen." bati ko.

'Ma'am ba o tita? Kung mommy na lang kaya? Hehehehehehe.'

'Pero tita na ang tawag ko sa kanya dati.'

Nakita ko naman na lumingon sakin sina Kaylee kaya binati ko agad sila ni Ken. Mukhang bad mood si Ken dahil hindi man lang nya ako binati. Anong problema ng matandang 'to? Hahahaha!

"Ken bilisan mo na dyan, andyan na si Tyler oh!" usal ng mom ni Kaylee.

"Hindi po si Ken ang pinunta ko dito. Sinundo ko po si Kaylee, sabay po sana kaming papasok sa school. Kung papayag po kayo?" nararamdaman ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Ma'am Karen?" usal ko ulit.

"Tita na lang, Tyler hehe." aniya. Mama na lang po? Hahahahaha!

"Tita, Ken, pati na rin po ikaw Yaya, nandito po kasi ako para magpaalam sa inyo. P-Pwede ko po bang ligawan si Kaylee?"

Mas naramdaman ko ngayon ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

'KABADO NA ANG GWAPO!!!!'

Nanlaki ang mga mata ni Ken samantalang sina Tita Karen naman ay nagulat pero nakangiti sila sakin.

"Sige Tyler, pinapayagan kita. Pero nakapagpaalam ka na ba kay Kaylee?" si tita

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang pagpayag ni Tita Karen.

"Opo tita, pero hinihintay ko rin po ang permission nyo dahil mas maganda kung alam nyo po na liligawan ko si Kaylee." paliwanag ko.

"Hmmmm... Mabuti yan." pag sang-ayon ni Mama.

"How about Ken, payag ka ba?" tanong ni Tita, sakto naman akong napatingin kay Ken. Seryoso syang nakatingin sakin.

"No, hindi ako payag." seryoso nyang sambit. Bigla namang nanlaki ang mata ko dahil sa sinagot nya. Hindi ko inaasahan na ganito ang isasagot nya dahil buong akala ko ay sya pa ang unang susuporta samin ni Kaylee.

'Ha?! Bakit pre?!'

"Bakit?!" tanong nina Tita.

"Dahil ayoko." makapangyarihan nyang sagot.

I WILL ALWAYS LOVE YOU Season TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon