Tyler's POV
"Pinabibigay ni Mommy." usal ni Ate Trisha. Halos hindi na kami nag iimikan ni Ate Trisha mula noong nasagot ko sina Mommy dahil sa engagement na iyon.
"Ate..." tawag ko sa kanya.
"Pull yourself together at sundin mo ang mga magulang natin." aniya at saka sumakay sa kotse niya. Naiwan ako dito sa garahe na nakatayo habang pinapanood ang pag alis niya. Binuksan ko ang envelope na kakabigay lang sa akin ni Ate Trisha at binasa ang nakasulat sa isang scented na papel pa.
You are invited to Tyler Gomez and Alison Mendoza's Engagement party!
Dali dali akong pumasok sa loob at tinungo ang office ni Mr. Gomez. Kasalukuyan siyang abala kausap ang secretary nila ni Mommy. Tinignan ko siya at nakita ko ang hawak hawak ni Mommy na isang kumpol na envelopes at nakakasiguro akong iyon ay ang mga invitation para sa engagement sa Sabado.
"Mommy! What the heck is this?!" tanong ko kay Mommy na napatayo pa dahil sa gulat sa akin.
Mabilis niya akong nilapitan at hinagod ang likuran ko. "Huminahon ka anak. Please take a seat." usal ni Mommy.
Naupo ako at hinarap siya. "Mommy bakit ninyo ito ginagawa sa akin?" tanong ko.
"It's for your own good anak." aniya.
"Hindi eh. Wait, makinig kayo sa akin." sambit ko. "Itigil niyo na ang engagement party na yan dahil tutulungan tayo ni Lolo para maitayo ulit ang bumabagsak nating kompanya." paliwanag ko sa kanila.
Tumayo kaagad si Mr. Gomez. "Tyler please just cooperate! Tigilan mo na 'yang kakahingi mo ng tulong sa ibang tao. Stop being so immature, paano ko maipapasa sa iyo ang kompanya natin kung ganyan ka umasta? Isantabi mo muna 'yang nararamdaman mo dahil nakasalalay dito ang kompanya na balang araw ay pangagalagaan mo rin." aniya saka lumabas sa office.
"Tyler, matagal na tayong nagkausap usap tungkol dito. Please anak huwag mong sisrain ang pag asa ng kompanya natin." pakiusap ni Mommy.
Pagkatapos naming mag usap ni Mommy ay nagbihis na ako para pumasok. Nakakapagtaka dahil habang naglalakad ako dito sa loob ng campus ay puro bulungan ang mga estudyante at nakatitiyak akong ako ang pinag uusapan nila.
Pagpasok ko sa classroom ay nandoon na si Kaylee at kausap niya sina Aimee, Carlo at Sandra.
"Good morning!" bati ko sa kanila.
Tinignan lang nila ako. "Anong meron?" tanong ko.
"Ready ka na ba bukas?" tanong ni Sandra.
Napaisip ako sa tanong niya sa akin at naalala ko ang lintek na event bukas. Umupo ako sa tabi nila. "Hindi, hindi iyon mangyayari." sagot ko.
"Ang daya mo pre. Kung hindi dahil sa invitation na natanggap ng pamilya ko ay hindi ko malalaman na engaged ka pala." usal ni Carlo.
"Ha? Mali pre. Hindi ako engaged!" usal ko.
"Oh! Alison, your soon-to-be husband is here already." napalingon kaming lahat kay Tracey na nasa tapat ng pinto at nakahawak sa braso ni Alison.
Pumasok na pala siya. Tinignan ko siya at mukhang masaya naman siya.
"Tyler, hindi mo ba babatiin ang wife mo?" tanong ulit ni Tracey.
BINABASA MO ANG
I WILL ALWAYS LOVE YOU Season Two
Teen FictionSEASON TWO Matapos ang mga hirap, sakit at paghihintay na dinanas ni Kaylee habang patuloy na minamahal si Tyler ay bigla na lang nagbago ang lahat. Ang dating best friend lang ang turing sa kanya ay mahal na rin sya. Ngunit paano sila mabubu...