Tyler's POV
Nakalipas ang isang linggo. Sa wakas! Acquaintance party na. Napakaabala naming lahat noong nakaraang linggo dahil sa event na magaganap ngayong araw. Nalungkot lang ako dahil sa nangyari kay Kaylee last friday.
Flashback...
"Ken!" tawag ko kay Ken na nakasakay na sa loob ng sasakyan nya.
"Bakit absent si Minion?" tanong ko.
Kanina pa akong nag aalala dahil hindi sya pumasok ngayong araw.
"May lagnat sya kagabi pa." nang marinig ko si Ken ay bigla akong nakaramdam ng pag aalala.
"Puntahan ko ha?" paalam ko kay Ken at tinanguan nya na lang ako.
Mabilis akong nagmaneho papunta sa bahay nina Minion. Si Ken naman ay dumiretso sa mall para bumili ng fruits sa supermarket. Pagkarating ko sa bahay nila ay kaagad akong pinapasok ni Yaya. Nagpaalam na rin ako sa kanya na didretso na ako sa kwarto ni Minion.
"Minion? Nandito ako. Gising ka pa ba?" tanong ko.
Bumangon sya sa pagkakahiga nya at ngumiti sakin.
'Damn it! I missed you so much my Minion.'
"Okay ka lang ba? Kamusta pakiramdam mo? Nakakain ka na?" walang sawang tanong ko sa kanya.
"Chill ka lang Gru. Okay lang ako."
"Nakakain ka na?" tanong ko at umiling iling sya.
"Teka lang, susubuan na kita hihingi lang ako kay Yaya ng kakainin mo." usal ko at kaagad na bumaba at tinungo ang kusina.
"Yaya pwede ko na po bang kuhanin ang pagkain ni Kaylee, susubuan ko na lang po sya."
Ngumiti si Yaya at iniabot sakin ang soup na nasa bowl. "Alagaan mo ng mabuti ang baby namin ah?" napangiti naman ako at bumalik na sa kwarto ni Minion.
Naupo ako malapit sa kanya at kumuha ng isang kutsara na soup.
"Uubusin mo 'to ha para makapasok ka na bukas." usal ko.
Ngumiti sya at muli ko syang sinubuan ng soup.
"Namiss agad kita Minion. Hindi ako nakapagfocus kanina sa school dahil hindi ka mawala sa isip ko." usal ko sa kanya.
"Sino ba namang may sabi sayo na isipin ako?" pang aasar nya pa.
"Minion naman eh, kapag ganito itetext mo agad ako para hindi ako magalala sayo masyado."
"Oo na Gru. Aaaah!"
Hinintay ko muna syang makatulog bago ako umalis.
"Uuwi na ako Minion ko. Magpagaling ka agad." usal ko sa kanya saka humalik sa noo nya.
End of flashback...
"Good afternoon Sanford!" sabay naming bati ni Minion. Gaya ng napagkasunduan naming mga officers, kami ni Kaylee ang magiging MC ng acquaintance party ngayong school year.
"Are you all excited for today's event?" masiglang tanong ni Minion at saka naman lumakas ang hiyawan ng mga estudyante dito sa gymnasium ng school.
Pagkatapos ng opening remarks nina Ma'am Celine at Tita Karen ay nagsimula na ang pagtugtog ng musics. Isa isa na ring ipinresent ang mga new students ng school.
"Hello everyone! My name is Aiselgi Gozon from Xavier University and my motto is "Always do what you are afraid to do." Thank you!" pakilala ng isang Junior na babae. Maputi sya, matangkad at maganda pero wala pa ring mas gaganda kay Minion.
BINABASA MO ANG
I WILL ALWAYS LOVE YOU Season Two
Teen FictionSEASON TWO Matapos ang mga hirap, sakit at paghihintay na dinanas ni Kaylee habang patuloy na minamahal si Tyler ay bigla na lang nagbago ang lahat. Ang dating best friend lang ang turing sa kanya ay mahal na rin sya. Ngunit paano sila mabubu...