Chapter 63

43 5 0
                                    

Kaylee's POV

"Manang naman eh sabihin mo na kasi sa akin kung anong nangyari kanina sa canteen at kung sino ang gumawa sa'yo noon?" kanina pa akong kinukulit ni Kuya Ken. 

Nakikita ko sa mga mata niya ang pag aalala sa akin. Kanina niya pa akong kinukulit na magkwento sa kanya pero hindi ko naman magawa. Hindi ko alam kung bakit parang mas pinili ng bibig ko ang manahimik kesa ipaalam sa kapatid ko. 

"Subukan ninyong magsumbong sa mga taong malapit dito, kayo ang malalagot sa akin. At ikaw naman Kaylee Villanueva, ilugar mo ang sarili."

Paulit ulit kong naaalala ang sinabi niya kanina sa akin. Hindi ko siya kilala pero bakit ganito, sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon lalo na kapag naaalala ko ang mga ginawa niya sa akin kanina. Halos hindi ko asahan ang ginawa niya sa akin dahil sa itsura niya at sa edad niya ay mukhang hindi siya gagawa ng masama sa isang estudyante na katulad ko. 

"Kuya please, pagod ako. Saka mo na lang ako kulitin kapag okay na ako." usal ko kay Kuya Ken at isinara ang pinto ng kwarto ko.

Habang nakahiga ako ay may narinig akong kotse na bumusina na nagmumula sa harap ng bahay namin. Titignan ko na sana mula sa bintana ko kung sino iyon pero hindi ko nagawa dahil biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Kaylee, hija! May bisita ka." ani Yaya. 

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang ngiti sa mukha niya. "Nandoon na rin sa labas ng bahay ang kuya mo pati ang mama mo." aniya. 

Tinatamad man akong lumabas ng kwarto ko ay napilitan ako dahil hinigit na ako ni Yaya palabas ng kwarto ko at mabilis kaming bumaba galing sa kwarto ko. Malayo pa man sa main door ng bahay namin ay may naririnig na akong tugtog ng gitara na sigurado akong ito ay nanggagaling sa labas ng bahay namin. 

(A/N: Check your Multimedia!)

🎶"If I had to live my life without you near me
The days would all be empty
The nights would seem so long
With you I see forever oh so clearly
I might have been in love before
But it never felt this strong ." 🎶

Pagkalabas ko ng main door ay nakita ko na agad si Kuya Ken na nakaakbay kay Mama habang nakaharap sila sa may gate. Mas naglakad pa ako palapit ki'na Mama. Natanaw ko sa harapan ng gate namin si Tyler na may hawak na bouquet of blue roses na may tulips habang kumakanta at nasa likuran naman niya sina Lester at Carlo na naggigitara pa.

🎶"Our dreams are young and we both know
They'll take us where we want to go
Hold me now
Touch me now
I don't want to live without you."🎶

Habang pinapakinggan ko si Tyler ay nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at tanging boses niya lang ang naririnig ko. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti na tumatawa tawa pa ng konti. Hindi siya magaling kumanta pero masasabi kong nakakanta niya naman ng nasa tono ang napili niyang kanta. 

🎶"Nothing's gonna change my love for you
You ought to know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love
Nothing's gonna change my love for you
You ought to know by now how much I love you
The world may change my whole life through
But nothing's gonna change my love for you."🎶

Dahan dahan siyang lumapit sa akin at iniabot ang napakagandang bouquet ng blue roses at blue tulips. Pagkaabot niya sa akin ng bulaklak ay hinawakan niya ang kamay ko. 

"Maaari ba kitang isayaw?" bulong niya. 

Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko ng dahil sa napakalambing na boses niya. Tinanguan ko na lamang siya. Hinawakan niya ang kamay ko at ang kaliwang kamay naman niya ay nasa beywang ko. 

I WILL ALWAYS LOVE YOU Season TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon