Chapter 59

38 5 1
                                    

Kaylee's POV

'I'm sorry Kaylee dahil sa tingin ko ay masasaktan ulit kita.'

Parang unti unting winawasak ang puso ko. Pakiramdam ko ay gumuho na agad ang sistema ko. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o hindi dahil sa kanya mismo nanggaling ang mga salitang ayaw ko ng marinig. 

"Ba-Bakit?" nauutal kong tanong sa kanya. 

Hindi nya ako tinignan at saka ako niyakap ng napakahigpit. "I'm sorry Kaylee. Hindi ko 'to gusto. Pero pipilitin ko pa ring humanap ng paraan." paliwanag nya. 

Napuno ng mga tanong ang utak ko dahil hindi sagutin ni Tyler ang tanong ko. Kumalas ako sa pagkakayakap nya at hinarap sya.

"A-Ano yun Tyler?" 

"Nagkasundo ang family ko at family ni Alison na ikasal kami." 

Mas lalo akong nanghina at nanlumo dahil sa sinabi nya. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay babagsak na ang luha ko na kanina ko pang pinipigil na tumulo. Masyadong unexpected ang mga nangyayari ngayon. 

"Unti unti na kaming nababankrupt at wala ng makitang paraan ang mga magulang ko kundi humingi ng tulong sa pamilya ni Alison at ang hinihingi nilang kapalit ay ang pakasalan ko si Alison." pilit akong nagpapakatatag kahit na napakasakit ng mga sinasabi nya sakin. 

"Kami ang nagmamay ari ng Eastern G. Mall na malapit sa school natin at iyon ang unti unti ng nalulugi." dagdag nya habang nakatingin lang sakin.

Hindi ko alam ang dapat kong sabihin, hindi ko alam ang dapat kong gawin ngayon dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon ay nanatiling blanko ang isipan ko at tanging pagluha lang ang kaya kong gawin ngayon.

"Ayoko ng ganito Kaylee. Ayokong masaktan ka dahil nasasaktan din ako. Tulungan mo ako." usal nya.

"Pero paano Tyler? Wala akong maiitulong sayo dahil wala tayong kalaban laban sa mga magulang mo." naiiyak kong sambit.

Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko. "Ang gusto ko lang ay manatili ka sa tabi ko habang kinahaharap ko ang pagsubok na ito." usal nya. 

"Hindi pa tayo talo Kaylee. May isa pang paraan para mapigilan ko ang kasal na yon." paliwanag nya.

"A-Ano yun?" parang may parte sa katawan ko na nabuhayan dahil sa sinabi ni Tyler. 

"Si Lolo. Ang asawa ni Lola na nasa Korea." usal nya habang nakatingin sa puntod ng lola nya.

Parang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang pag asa na sinabi nya. "Pa-Paano sya makakatulong?" tanong nya.

"Si Lolo ang may ari ng Eastern G. Mall sa Korea." nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko ang sinabi nya. 

"Yu-Yung mall na yon, yun ang isa sa pinakasikat na mall sa Korea." gulat kong sambit.

"Oo kaya si Lolo na lang talaga ang naiisip kong paraan para maisalba ang kompanya namin dito sa Pilipinas." bahid pa rin sa mukha nya ang lungkot.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. "Wag ka ng mag alala, malalagpasan mo 'to. Magtiwala ka lang." usal ko at mas humigpit pa ang pagkakayakap nya sakin.

"Pero matanong ko lang Gru, bakit sa dinami dami ng kundisyon na pwedeng gawin mo, iyon pang ikasal kayo?" tanong ko sa kanya saka kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Natural na kasi sa pamilya namin ang arranged marriage. Sa totoo lang, sina mommy at Mr. Gomez ay nakasal dahil ipinagkasundo sila ng mga grandparents ko." paliwanag nya. 

'Sa bagay, mayaman sila at gagawin nila ag lahat para hindi maghirap.'

Bumuntong hininga sya. "Hayaan mo Minion, dahil hindi ko na papayagang maulit pa ang nangyari kina Mommy at Mr. Gomez." usal nya kaya naman napangiti ako.

I WILL ALWAYS LOVE YOU Season TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon