Tyler's POV
Kakatapos lang namin mameet si Miss Maris na napakaweird ng pagsasabi ng okay. Habang sina Kaylee ay abala sa pagtawa dahil sa panggagaya ni Carlo kay Miss Maris ay napagpasyahan ko namang pumuntang Canteen para bumili ng inumin.
'Yown! May ice cream! Bilhan ko kaya si Kaylee? Hehehehehe!'
"Ate isa nga pong cookies and cream." usal ko.
'Tamang tama, favorite namin 'to!'
"Miss, isang cookies and cream." usal ng isang boses lalaki na nasa likuran ko na bahagya pa akong tinabig para makapunta malapit sa counter kung nasaan ako.
'Si Kenzo pala.'
"Nako mga hijo isa na lang ang cookies and cream dito."
"Sakin na po." si Kenzo.
"Pre ako ang nauna." matipid kong sambit.
Tinignan nya ako. "Ikaw ang nauna? Bakit paunahan ba ang labanan?" may pagkasarkastikong sambit nya sakin.
"Ako ang nauna sa pila pre saka hayaan mo na, hindi naman 'to para sakin eh." pilit kong kinakalma ang sarili ko.
"Oh hindi pala para sayo eh bakit ayaw mo na lang ipaubaya sakin?" tanong nya.
'Takte! Anong problema neto!?'
"Sige sayo na lang." pagpapaubaya ko. Kaagad na akong umalis para makaiwas sa away.
'Bibilhan ko na lang ng Mogu Mogu si Kaylee.'
Kaagad akong pumila sa may beverage corner.
Kinuha ko ang isang Lychee na Mogu Mogu na nakalagay na sa isang ice bucket. Nilingon ko naman ang C5 drink na nasa bandang kaliwa kong ice bucket. Kukuhanin ko na sana ang isa sa mga bote doon ng may humawak din sa C5 drink na kasalukuyang hawak ko.
'Pakshet! Si Kenzo na naman?!'
"Pre pakibitaw na nung bote oh." kalmado kong sambit sa kanya. Tinignan nya lang ako ng masama.
"Pati ba naman 'to aagawin mo rin sakin?" sya.
'WTF! Nababaliw na ata 'tong mokong na 'to eh!'
"May tatlo pa dyan sa ice bucket oh, yan na lang kuhanin." aniko sabay pilit na kinuha sa mga kamay nya ang hawak kong C5 drink at binayaran saka lumayo sa beverage corner.
"Ano bang problema mo ha?! Bakit palagi mo na lang akong inaagawan?!" bulyaw ni Kenzo na papalapit sa kinatatayuan ko.
"Pre pinaubaya ko na sayo yung ice cream, yung C5 drink naman, ang dami pa sa ice bucket kaya hindi kita inagawan." paliwanag ko sa kanya.
"Yung hawak mo nga kasi ang gusto ko! Bakit ba ipagpipilitan mong yung ibang bote ang piliin ko?!"
'Lintek! Mukhang alam ko na ang pinaghuhugutan neto!'
BINABASA MO ANG
I WILL ALWAYS LOVE YOU Season Two
Ficção AdolescenteSEASON TWO Matapos ang mga hirap, sakit at paghihintay na dinanas ni Kaylee habang patuloy na minamahal si Tyler ay bigla na lang nagbago ang lahat. Ang dating best friend lang ang turing sa kanya ay mahal na rin sya. Ngunit paano sila mabubu...