Chapter 62

38 4 0
                                    

Tyler's POV

"Ano na naman kayang meron?" tanong ni Andrei habang nakatingin lang sa projector na nasa harapan namin. 

Nandito ako ngayon sa conference room kasama sina Carlo at iba pang mga estudyante na pinatawag din ni Ma'am Celine. 

"Lahat ba ng pinatawag ay nandito na?" tanong ni Tita Karen na kakapasok lang dito sa conference room. Inilinga ko pa ang paningin ko at nakita ko si Minion at si Tracey na papasok din dito sa loob ng conference room. 

"Minion!" tawag ko sa kanya. 

Agad naman siyang ngumiti sa akin at naglakad palapit dito sa pwesto namin nina Carlo at Andrei. Nagulat naman ako nang unahan ni Tracey si Minion dito sa upuan na katabi ko lang. 

"Tracey, dito uupo si Minion." magalang na usal ko sa knaya.

Ngumiti siya sa akin. "Pwedeng ako na lang Tyler? Ako naman ang nauna sa kanya ditong umupo eh." aniya.

"Tracey naman! Minion nga kasi ang nakaupo d'yan. Minion ka ba?" tanong ni Carlo habang patawa tawa. 

Padabog namang tumayo at umalis sa tabi ko si Tracey. Inayos ko ang uupuan ni Minion. "Upo na." usal ko.

"Bakit kayo lang dalawa ni Tracey? Ang napansin ko ay tig tatatlo bawat section." tanong ko. 

"Si Alison kasi yung isa." aniya at nagfocus na sa unahan.

Nakatayo na sina Ma'am Celine at Tita Karen sa unahan. Siguro ay may announcement sila na kailangan ng tig-aanim na representative bawat section. 

"Good afternoon students." panimulang bati ni Ma'am Celine.

Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa kanya. Sa tuwing nakiita ko siya, si Aera kaagad ang naiisip ko. Hindi ko inakala na napakaliit pala talaga ng mundong ginagalawan namin. Connected pala siya sa parents ko at ang hindi pa rin mag sink in sa utak ko ay si Aera pala na anak niya ang dahilan kaya iniwan kami ng ama ko.

Tumingin siya sa projector at binasa ito. "Search for Mr. and Ms. Sanford University." aniya. 

"Sa tagal na ng university na ito ay ngayon ulit gaganapin ang event na ganito at kayong mga chosen students ang mga candidates para sa pageant na ito." paliwanag ni Tita Karen.

Lumakas naman ang bulungan at usapan ng mga estudyante na nandito sa loob ng conference room. 

'Pageant?! Ako, isasali nila sa pageant?!' Pakshet!' 

"Tss." singhal ko.

Tumingin naman ako kay Minion na walang emosyong nakatingin kina Ma'am Celine. 

"Okay ka lang?" tanong ko. 

Tumango siya. "Oo, kaso ayaw ko naman ng mga ganito eh, mas gusto ko pang tumulog kesa magpageant." buntong hininga nya. 

Napangiti naman ako sa sinabi nya at ginulo ang buhok nya. Tama ako, hindi niya rin gusto ang mga ganitong bagay dahil napakasimple niya lang na babae. Pero ano kayang itsura ni Minion kapag nilagyan na ng make up at nagbihis ng pambabaeng pambabaeng damit? Nakita ko na siyang nakaayos noong birthday niya pero iba pa rin na makita siyang magmomodel sa harap ng maraming tao. 

"Wala pang exact date para sa event na ito pero maaga namin kayong sinabihan para alam ninyo at para makapaghanda kayo." usal ni Ma'am Celine. 

Nagpatuloy lang sila sa pagsasalita at sa pagpapaliwanag ng mga mangyayari sa event na iyon. Inaamin kong hindi ako nakikinig sa kanila dahil patuloy lang ang pagkukwentuhan namin ni Minion dahil parehas kaming hindi interesado sa pageant na yon.

I WILL ALWAYS LOVE YOU Season TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon