***
Kabanata I
***
[Adelaine]
“Hoy mga babangluksa! Magsigising na kayo at may pasok pa! HOY gising na!” ahhhhh ano ba naman ang aga aga pa ehh “Ohh ikaw naman Adelaida, gumising ka na dyan kung ayaw mong malate ka sa 1st day of school!”
“Ehh Tito...”
“TITA!”
“TITA! Pwede po bang mamaya nyo nalang ako gisingin? Inaantok pa ako ehh.”
“Hoy Adelaine Rose T. Santos, kung ayaw mong pumasok, pwes mag manicure ka nalang at magrebond ng mga buhok dyan sa ating parlor! Hala sige, bangon na!” susme, sino ba naman ang hindi magigising sa bunganga ng Tito/Tita ko na may-ari ng isang salon sa ilalim ng dorm na tinitirhan ko? Hay kung hindi lang maagang kinuha ni Lord ang aking mga magulang, baka hanggang ngayon, hindi ako nagtitiis sa 25 decibels na bunganga ng aking tita titahan.
“Ahh! Nakakaimbyerna witchikels ka!” sigaw ko sa kanya
“He! Whisz kang baon mamaya! Hala, bumangon ka na dyan at imisin mo ang kama mo. Nakahanda na ang umagahan mo. Imbyerna kayo sa umaga ko!”
Hay, ako si Adelaine Rose T. Santos but they intend to call me Adelaida. Fan na fan ako ng movie nina Sarah at John Lloyd na sina Miggy at Laida kaya pinalayaw na nila sa akin yung Adelaida. Mapayat na brown ang buhok na may konting highlights na libre sa akin ng aking tito sa kanyang parlor, sexy naman kaso yung good kagaya ko eh yung sexy na papunta na kaso natraffic. Matangos ang ilong, hindi naman sa maputi at medjo buhaghag in a way ang hair kakakulot sa akin sa parlor.
Lumaki ako sa hirap kasama ang Tito kong badingersy at nagtitis na tumira sa isang malaking dormitoryo na minana pa niya sa kaluluhan ng kanyang lolo na hanggang ngayon ay nakatayo parin. Hindi natinag kahit dumating ang World War II. Malaki actually ang dorm, parang mansyon kalaki pero ang mga nakatira, all girls sa may bandang kanan at sa kabilang dorm naman is mga lalaki. Dalawa sila actually. As my tita says, first day of school ngayon at sa prestigious na University ang aking tutunguhin. Ang Queen Catherine’s University na tinatag noong kauna-unahang panahon pa. Pang mayaman ang school na ito palibhasa private pero wag nyo akong isiping mayaman ha, sinuwerte lang na napasama ang aking ginintuang pangalan sa mga nakapasok sa entrance exam at scholarship examination na libreng pinamigay ng may-ari ng school which I met several months ago bago ako kumuha ng exam. 4th year High School na ako ngayon and ang balak kong kuning course after I graduated ay Mass Communication ng magamit ko ang kadaldalan ko.
Pagkatapos kong kumain ng umagahan ay tinungo ko ang kwarto ko. Yes kwarto ko kasi ako lang mag-isa ang natutulog sa kwarto, may nakahiwalay na isang kwarto for me dahil special daw ako eh. Ako raw ang magmamana ng salon. Bongga diba?. Aside sa pagiging manikurista/make-up artist sa salon ni tita, may part time job na binibigay sa akin ang school for extra income, ako ay magtratrabaho sa library para assistan ang librarian na may klase din minsan. Hinanda ko na ang gamit ko at ilang notebook dahil 6:30 na ng umaga at kelangan ko pang maglakad dahil walking distance lang naman siya sa mahihirap at taxi siya sa mayayaman. Ang Tito ko na baklush ay pumunta sa kaharian ng samurai 6 years old palang ako at hinabilin ako kay tiyang Melba kung saan siya ang nagpaaral sa akin habang nakikipagespadahan pa si Tito sa mga hapones sa Japan. Ilang taon siyang namalagi doon at aba, bumongga ang Tito ko dahil pagkauwi na pagkauwi niya ay dala na niya ang titulo ng dormitoryo na tinitirhan ko. Pinamana pala sa kanya ng kanyang lolo ang dormitoryo. As I was saying, part time job ko sa library at ang maganda pa doon is medyo malaki ang sweldo at pag may bakante raw ako na oras ay doon dapat ang aking pupuntahan lamang. After malagpasan ang apat na kalye, dalawang tulay, ilang truck ng basura at apat na skwelahan, narito na ako sa Queen Catherine’s University. Ang layo grabe.
BINABASA MO ANG
My Unwanted Prince
RomancePrince, is this even possible? Isang prinsipe bigla nalang papasok at pipilitin ang mag adjust sa Pilipinas? Good Luck nalang sa kanya, Good Luck nalang sa pag-aadjust niya. Pero papaano kung ako pala ang magiging personal tutor niya? Should I give...