Kabanata XII: "Unexpected Kiss"

197 6 0
                                    

***

Ika-labingdalawang Kabanata

***

[Adelaine]

AS FAR as I want na iwasan si Alphonse, hindi ko magawa dahil magkatabi lang kami, kaya naman after ng classes nalang ako lumalayo. Minsan ang aking palusot ay kailangan ako sa parlor ni Tita Lou, minsan naman pinapahanap ako ng librarian. Hindi parin kasi nawawala sa isip ko yung nangyari sa ospital eh. Nakakahiya parin, baka isipin niya, gusto ko siya. Pero ang tangong, gusto ko nga ba siya? Hala! Lagot, hindi na magtatagal ang palusot na ito dahil napaka-imposibleng araw-araw akong may palusot. Nagpapasalamat na nga lang ako sa Panginoon pag hindi na siya nag se-second question. Ngayon magkasama kami ni Jenmark para maglabas ng saloobin ko sa kanya. Nakapwesto kami sa canteeng DALAWA. Wala nang ibang tao dito maliban sa tindera. Hapon narin kasi at uwian na so walang ibang tao na gugustuhing kumain dito dahil mahal ang mga tinda.

“Kasi naman, alam mo naman pala sa sarili mo na gusto mo siya eh, bakit di mo pa sabihin?”

“Ehh, hindi naman ako sigurado eh. Malay ko ba na infatuation lang pala ito na mawawala rin bukas makalawa, diba?” tugon ko sa kanya habang nanguya ng nilagang mais na binili namin sa labas ng campus.

“Bakit ka matatakot sabihin ang bagay na makakapagpasaya sa’yo. Bakit mo itatago ang tunay mong nararamdaman, kikimkimin mo nalang ba iyang nararamdaman mo sa kanya. Malay mo, gusto ka rin pala niya.”

“Ako? Gusto niya? In my dreams. Hinding hindi ako magugustuhan ng prinsipe ng Wittenburg no. Tsaka nakikinig ka ba? MAY FIANCE NA SIYA. Bakit ako magkakagusto sa lalaking may fiance na! Ano ka ba?” hindi ko napigilan ang sarili ko na isigaw ang fiance word na iyon. Buti nalang kaming dalawa nalang ang tao ditey.

“Are you talking about me?”

“Ay peklat. A-Alphonse? K-kanina ka pa dyan?” nakapasok sa bulsa niya ang kanyang mga kamay habang nakasakbit sa balikat niya ang bag niya at nakatingin sa akin. Samantalang si Jenmark, ayon, todo kain ng mais.

“Honestly, no. Naririnig kitang nangawa dito eh, kaya pumasok ako. Tsaka, ang naabutan ko is dun sa part na may fiance ako.”

“Ahhhh. Ehhhh, B-Bakit ka narito? Anong kelangan mo?” tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa mais na kinakain ko.

Umupo siya sa tabi ko na lalong nagpakabog ng dibdib ko.

“B-bakit mo ba ako iniiwasan? Noong isang araw pa kita nahalata eh. Nung sinabi mo na pinapatawag ka ng principal, pero nung sinundan kita, lumabas ka na ng campus at hindi ka naman dumaan sa principal’s office. Tsaka nung sinabi mo na may assignment tayo sa calculus? Wala tayong assignment na dapat tapusin noon. Kaya minabuti ko na kausapin ka ngayon.”

“Alphonse, sorry ha, pero, hindi tayo pwede mag-usap ngayon. Sa isang araw nalang, next day after tomorrow, next week, next month, next year. Basta.”

“Sabihin mo nga, maging honest ka sa akin. Kahit ngayon lang. Do you like me?”

Bigla namang nabulunan si Jenmark sa sinabi ni Alphonse. Hindi ako sa tanong niya ako nagulat, nagulat ako sa reaksyon ni Jenmark kaya naman inabutan ko agad siya ng tubig. Nang okay na siya…

“Anyare sa’yo okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.

“O-oo. Sagutin mo na nga yung tanong niya. Tutal kayo este tayo lang ang narito, wala na namang makakaalam na iba. Kasi honestly, I really like you.” nagulat si Jenmark sa sinabi ni Alphonse. Kagabi pa siyang ganyan!

“Kailan mo pa ako nagustuhan?” nililigaw ko yung tanong niya, tsaka baka naman echos garbanzos lang niya yun eh.

“Nung nasigawan kita. When you forenamed your feeling about my rebellion, my absences, my bad habits and being short tempered when you ask me about those things. When Ms.Legazpi give this letter, at first, I tought that I don’t need you anymore, but when days passed, I already found it hard not just for me, but also for you. There’s no one who can manage to teach me whole-souled like you. Then the day after I realized that, I started to like you. You’re always there for me. Even the first time I got hospitalized, I shouted to you, but you didn’t fought me back. You’re distinct, and being distinct makes me realized that I like you.” Nagulat kaming dalawa ni Jenmark sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang isang prinsipe, “literal” na prinsipe ang magkakagusto sa isang hamak na katulad ko.

My Unwanted PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon