Kabanata VIII: "First Wave"

197 7 1
                                    

***

Ika-walong Kabanata

***

[Adelaine]

Habang naglalakad ako sa corridors, tiningnan ko si Alphonse na nag-aaral ng tagalog kasama ang isang babaeng estudyante. Siguro ginamitan ni kumag ng karisma itong babaeng ito kaya napapayag. Aking minamasdan ang kanilang session na nakapwesto sa may football area. Maya-maya nakita ko na tumayo yung babaeng estudyante na kasama niya at nagsisigaw doon na “Hindi ko na kaya! Ang hirap mong turuan!” ohhhh ano? Lalandi ka pang babae ka! Naka unbutton pa yung first 2 na buttons ng uniform niya. Eh di naranasan niya ang pinagdadaanan ko araw-araw sa kanya.

Minsan naman, habang nakain ako sa canteen, nakita ko si Alphonse na may kasama ulit na babae pero this time, walang tutorial sessions na nangyayari, they’re kissing infront of all the students na nadaan? Napapasuka tuloy ako sa kinakain kong burger. Ang ginawa ko nalang is tumalikod sa kanila at inasikaso ang Strategic Management thingy lessons namin.

Noong isang araw lang, kasama kong naglalakad si Jenmark at nakita naming parehas na balisang balisa siyang nag-aaral ng tagalog base sa binubuka at naririnig namin sa kanyang bibig. Para akong hinihila papalapit sa kanya at sinisigawan na, “Hoy! Kailangan kita! Tulungan mo ako! I can’t survive without your help!” Pero nang makita niya kami, tumalikod lang siya at nagpatuloy sa pag-aaral. Nagpatuloy nalang kami ni Jenmark sa paglalakad at tinungo ang next class namin.

           

Sa class namin in Marketing subject, nakahinga ako ng maluwag dahil naipasa ko naman ang first test namin. Kailangan ko pang mag doble aral dahil marami-rami din kaming mga subjects and hindi ko ito dapat binabalewala. Ang iniisip ko ay papaano si Alphonse? Ngayong naintroduce na ang ibang subjects, I’m sure kagulo siya sa pag-aaral, pagbabalanse ng oras niya.

Nakatunganga ako sa dati naming tambayan ni Alphonse, dito sa garden sa tabi ng gym. This is our paradise, chaross pempengco! Habang nakaupo ako dito, napatingin ako sa table at may napansin akong nakasulat. “I can’t do this.” tiningnan ko kung anong kasunod pero sa sobrang dami ng vandalism eh di ko na nahanap ang kasunod. Sinulat siya gamit ang pentelpen. Never ko namang nakita na may marker pen siya. Sulat kamay niya iyon, sure ako. Mas minabuti ko na gawin nalang yung assignment namin sa Finance. Habang ini-scan o yung lectures namin para may maisagot ako, nakaagaw ng pansin sa akin ang lalaking nasa harapan ko. Si Alphonse.

“Adelaine. I want to say sorry tungkol sa nangyhari kahapon. It’s just that nakukulitan ako sa mga babae nating classmates and you ask me a bunch of questions that I already answered. Kaya nasigawan kita. Sorry ulit. I can- can’t survive without your help. I need you Adelaine. Please, can you be my tutor again?”

“What? Si Alphonse, humingi ng tawad sa kanya? Kamalasmalasan naman ng Prince ko. Hindi siya dapat mag sorry sa kanya diba girls?”

“Oo nga, tsaka bakit ba ang lapitin niya sa mga poging kaklase natin? Maganda naman ako, tsaka duh? Obvious naman kung pagtabihin mo kaming dalawa, lamang naman ako sa kanya di hamak no.”

“Una si Jenmark, kaibigan niya, ngayon naman si Prince Alphonse? This is not so true. Nakakainis ang babaeng ito!”

Grabe ha, magbubulungbulungan nalang sila yung rinig ko pa. Pero, alangan namang hindi ko tanggapin yung sorry niya, nakakahiya naman. Tsaka medyo naging makulit din ako kahapon kaya niya ako nasigawan. Kasalanan ko rin naman pero sana di pasigaw. And  baka sabihin nilang pakipot pa ako.

My Unwanted PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon