***
Ika-anim na Kabanata
***
[Adelaine]
PAGKALIPAS ng isang linggo, pumasok narin siya. Hindi na ako pumunta ng ospital buhat ng sinigawan niya ako noong isang linggo. Hindi narin ako makekealam sa buhay ng may buhay dahil kapahamakan lang pala ang dadanasin ko.
“Okay lalaking pinaglihi sa kasungitan, COUNT OFF!”
“Isa, Da-lawa,Tatlo,Aphat,Lima!,Aneym,Phito,Whal-o,Syeyam,Shampu.”
“Good! You can count na from 1 to 10. So rate your achievement in tagalog isa or one is the lowest score and sampu will be the highest possible answer. And correction, it is Sampu! Put a strong intonation in the “pu” not Shampu, it is not Sunsilk.”
“I think, I can rate my achievement Phito!”
“Good! Now Prince Art, gusto ko gumawa ka ng pitong pangungusap na best na magdedescribe sa iyo. Meron ka lang sampung minuto para tapusin ang gawain mo okay?”
“Okay.” Wala niyang ganang sagot. Papaano ba naman, kanina pa namin prinapraktis ang count off from 1 to 100 kasi hindi siya nagbigay ng magandang rason kung bakit siya absent noong isang araw. Kahapon naman, sinanay ko siya sa pagtatagalog kaya naman nakakaintindi na siya kahit papaano. Pag di niya naiintindihan, iniingles ko then papaulit yung tagalog then sulat ulet. Parusa ko sa kanya ang irecite ang isa hanggang isangdaan. Bukod sa aking pagpaparusa sa kanya ay may kasama ako ngayon, si JM. Gumagawa siya ng assignments namin at nakikinig sa aking ginagawang tutor session. Hapon na nga po pala mga madlang peeps. Tapos na ang klase at nagsisiuwian na ang lahat. 4:20 na nga to be exact kaya naman habang hinihintay ko matapos itong si MR.SUNGIT, eh tambay muna ako kay JM. Wait lang, biro niyo yun, sigawan ba naman ako kanina dahil sobrang kulit ko daw. Tanong daw ako ng tanong eh paulit ulit daw naman siyang nageexplain. Aba, kasalanan ko ba kung waley ang explaination niya. Kaya hayan, magdusa ka dyan. Maaga natapos ang klase namin dahil wala ang teacher namin sa Health Economics class kaya lumabas na kami nina JM at Art para masimulan na itong tutor lesson na ito.
“Bawal gumamit ng paulit ulit na salita okay? Avoid repetition.”
“Huy, kinawawa mo naman yung tao ha. Pagbilangin mo ba naman ng 1 to 100 tapos tagalog pa, ngawit na ang dila at lalamunan niyan kakatagalog.” Sabi sa akin ni JM.
“Aba, matapos ba naman niya akong ipahiya kanina. Yan ang bagay sa kanya. Tsaka part yun ng tutorial class ko sa kanya kaya ikaw, mag-aral ka na, dahil may exams pa tayo bukas!”
“Can I stop this muna, mag-aaral lan ako para sa Marketing. Medyo mahirap kase eh.”
“He! You cannot stop writing unless you are finish. Isang linggo kang hindi pumasok tapos ngayon sasabihin mo mahirap ang mag-adjust dahil may test tayo sa Marketing? Tsaka mamaya ka na mag-aral, matapos mo ako ipahiya at sigaw sigawan, tapusin mo yan.”
Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. “Hey. Hindi porket tutor kita, bhabhastusin mo na ako. I am the owner of this school at pwede kitang ipatanggal ngayon din.” Aba, bantaan ba naman ako.
“Sige, patanggal mo ako, tingnan ko lang kung sino ang magtyatyaga sa iyong ugali na yan na turuan ka ng tagalog. Kala mo ba madali magturo ng tagalog sa katulad mo, puro ka daing, puro ka reklamo. Tinanong kita ng maayos kanina tapos babastusin mo ako? Sisigawan mo ako? Anong karapatan mo. Kung ayaw mo akong maging tutor, ayaw din kitang maging estudyante ko. Noong isang linggo, halos mag-alala ako dahil ang tutor ko, wala! Absent! Naglakas loob akong pumunta sa office ng Principal para tanungin ang adress mo dahil ilang araw ka ng absent. Tapos pagkapunta ko roon, malalaman ko nalang na nagkulong ka sa kwarto mo na walang malay dahil uminom ka ng sleeping pills? Ano bang kagaguhan ang ginagawa mo sa buhay mo? Nagmagandang loob ako na bantayan ka sa ospital, tapos eto ang igaganti mo? Sisigawan mo lang ako? Tapos kanina, pinahiya mo nanaman ulit ako sa harap ng maraming tao. Congrats Adelaine Rose T. Santos, humakot ka ng katangahan award sa pagiging tutor mo sa isang prinsipe. Ginagabi lagi ako ng uwi dahil sa iyo, papaano kung may masama na mangyari sa akin? Palibhasa tagapagmana ka ng kaharian ninyo, spoiled bratt na kala mo saksakan ng guwapo pero ubod naman ng sama ng ugali. Tara na nga JM may exam pa bukas. Good luck nalang sa tagalog tutor class mo, mag quiquit nalang ako. Bahala kang humanap ng papalit sa akin.”
BINABASA MO ANG
My Unwanted Prince
RomancePrince, is this even possible? Isang prinsipe bigla nalang papasok at pipilitin ang mag adjust sa Pilipinas? Good Luck nalang sa kanya, Good Luck nalang sa pag-aadjust niya. Pero papaano kung ako pala ang magiging personal tutor niya? Should I give...