Kabanata III: "Magkabilang Mundo"

302 11 1
                                    

***

Kabanata III

***

[Adelaine]

“Ms.Agustin, hinahanap ka ng principal. May papagawa ata sa iyo. Magkita raw kayo mamayang after morning class.”

“Okay Miss.” Ano ba naman yan, principal’s office agad agad kauma-umaga. Narito ako ngayon sa may library dahil tinulungan ko si Ms.Librarian sa pag-aayos ng mga libro na hindi naibalik ng mga estudyante noong gumamit sila ng library kahapon. Excuse naman daw ako sa 1st period ko if ever na hindi ako makaabot nito pero dahil wonderwoman ako, naayos ko agad siya wala pang 7:30 ng umaga na start ng class ko. Well wala naman akong ginawang masama kahapon. Nagmamadali akong tumakbo paakyat ng fifth floor dahil wala na akong nakikitang estudyante sa labas maliban nalang sa mga late na nakapila sa may gym para sa kanilang punishment. Pagkarating ko sa tuktok ng building, hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako na babae.

“Aray ano ba! Look naman kase sa dinadaanan!” sigaw nung babae.

“Ay! Sorry, sorry po! Nagmamadali po kasi ako sa klase ko eh. Pasensya na, tao lang.” napakanta tuloy ako sa isip ko, yung kanta ni Loonie.

“Tao ka ba?”

“Hinde, alien, nakakatakbo nga diba? Tssss..Maiwan ko na nga kayo dyan.” iniwanan ko sila at nagtatakbo sa kahabaan ng hallway dahil for sure nasa room na ang teacher namin. Pagdating ko sa may pinto ng room, nakita ko na wala pa si Miss kaya naman pumasok agad ako. Pagkatingin ko sa upuan ko, wala pa si Jenmark kaya naman pinatong ko muna ang mumurahin kong bag na galing pa sa ermita na bili ng aking tita titahan habang nagwiwindow shopping doon.

“Good Morning Class.” dumating na yung adviser namin

“Good Morning Miss.” umupo kaming lahat at nilabas ang notebook para mag notes. Habang nagka-klase kami hindi mawaglit sa isip ko na hindi ko katabi ngayon si Jenmark. Natapos ang pagno-notes ko ng biglang may kumatok sa pintuan. Akala ko naman si Jenmark na yung pala hindi. Parang isang exchange student dahil itsura palang niya, pangbanyaga na. Matangkad, medyo matangos ang ilong, hindi naman kaputian ang balat pero matangkad. Siguro basketball player ito. Itim ang buhok, medyo singkit, parang tahimik at walang kaemosyon-emosyon ang kanyang mukha. May sanib ata itong student na ito ha.

“Ohh! Good Morning sir Alphonse!” aba, yung adviser pa namin ang bumati sa kanya. So surprising chos!

“Good Morning Miss.” Halatang wala siyang gana sa kanyang tugon. Para siyang not-social type of student sa kanyang inaasal.

“So, Everyone, this is Mr.Alphonse the son of the owner of this University. I hope you show how we Filipinos treat other people since he is adjusting in his new world. Mr., kindly seat beside hmmmm.. kindly seat beside Ms.Santos.” Hmmm. Anak siya ng may-ari ng school? Kaya pala naman ganyan ang pakikitungo ng teacher namin sa kanya. Well hindi naman ako nangangagat Alphonse hehehehe. Oh dito siya uupo wait. What? Dito siya uupo?

“Miss, may nakaupo na po dito eh.” Hindi pwedeng maudlot ang aming pagkakasama ni Jenmark. Enebenemenyen!

“Ahhh It’s okay, Mr. Alphonse, please seat beside Ms.Santos.” Nakakainis! Bakit naman kasi kailangan pang umabsent ni Jenmark! Katabi ko tuloy itong kanong ito. Ang bagal bagal niyang lumakad, parang naninibago pa siya. Tumabi siya sa akin pero ako, hindi ko siya pinapansin, naiinis parin ako sa kanya. Nagsulat ulit ang teacher namin pero para naman sa Activity. Ano raw ang aming expectation namin sa buong school year. Habang nagsusulat ako, nagulat ako dahil biglang nagsalita si Amboy.

“Uhmmm, excuse me, what are you doing?”

“Ahh..Eh...Sulat este Activity.” Nakalimutan ko nga pala, Amboy ito, di marunong magtagalog.

My Unwanted PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon