Epilogue

278 7 2
                                    

***

Epilogue

***

It's been 5 years? Yah, five years since Alphonse and I broke up. I can't imagine that my dreams turned into nightmare. Anong nangyari? Miski nga ako hindi ko na alam ang nangyari sa aming dalawa. Ang alam ko lang, hindi ako ang may kasalanan at kailangan ko nang umalis. Sino ba namang hindi aalis sa sitwasyon na iyon? I don't care dahil hindi ako nag kulang. Hindi ako naging controlling sa kanya, talagang wala na ngayong mapagkakatiwalaang lalaki ngayon. I took up BS Education major in Filipino. Asan na kaya siya? Asan na kaya sila?

            "Okay class, sa susunod na linggo nalang natin ituloy ang presentation ng projects ninyo. Basta yung natitirang grupo, kapag hindi ninyo na-present ang project ninyo sa akin, isang maliwanag na palakol at itlog ang ibibigay ko sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

            "Yes Miss!"

            "Okay sige, you can go now. Good bye class."

            "Good bye and Thank you Miss Santos."

Miss Santos. Anong nangyari sa pangako niyang magiging Mrs.Aubridge ako? Tinangay na ata ng barko papuntang Wittenburg ang pangako niyang napako eh. Hay naalala ko nanaman ang nakaraaan dahil dito.

            "Miss?"

            "Ms. Del Mundo. I want to talk to you dahil dito sa sinasabi ni Mr. Amarillo sa akin. Linawin mo nga sa akin Ms. Del Mundo, ano ba talaga ang status ninyo ni Mr. Amarillo?"

            "Eh Miss, siya lang naman po ang nagpupumilit na meron sa aming namamagitan eh. Wala naman po talaga Miss. Sinasabi konga po na lubayan na niya ako pero hindi naman niya ginagawa."

            "Ms. Del Mundo, kahit anong sabi mo sa lalaking iyon na lubayan mo siya, hindi nga niya gagawin iyon kasi umaasa siya na gusto mo rin siya. Kung deretsahan mo na kayang sabihin sa kanya na hindi mo siya gusto eh di sana hindi siya naapektuhan ng ganito. Maris, kung ako sa'yo saibihin mo sa kanya ng mas maaga kesa sa pinapatagal mo pa ang ganitong mga bagay okay? Habang pinapatagal mo pa ito, lalo siyang umaasa na may pag-asa pa dahil kino-consider niya iyon na opportunity na naguguluhan ka kaya 'di mo masabi sa kanya okay?"

            "Sige po Miss, aayusin ko nalang po ang gusot na ito. Ako na po ang bahalang kumausap sa kanya."

            "Makakaalis ka na at mag-aral muna ng mabuti ha, huwag muna bigyang pansin ang pag-ibig."

            "Okay po. Thank you po Miss."

Tumango nalang ako at inayos ang aking mga gamit. Naalala ko si Maris sa aking sitwasyon. Sinarado ko ang mga bintana ng room at inayos ang upuan bago dumeretso sa faculty room. Kelangan ko ding tingnan ang e-mail ko para sa aking sinubmit na application for review ng aking Masteral. As I opened my e-mail account, may isang e-mail akong natanggap na pumukaw ng aking atensyon.

From: unknown14@gmail.com

Subject: Adelaine Rose T. Santos

Message:


I'm sorry...Ellaine



My Unwanted PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon