***
Ika-labing siyam na Kabanata
***
[Adelaine]
Saturday Evening, Emmanuelle Palace Hotel and Resort
“Ladies and Gentlemen, the party will start in a few minutes, please wear your designated color bands so you can go to your designated seats. Thank you.”
Nakatayo ako sa harap ng mga nagbobonggahan at nagpapatalbugan na mga imbitado sa party. Siguro ako lang ang hindi third class na naka silver band which mean is kasalo ko sa table ang mismong nagpaparty, sina Tita Aurelia at Alphonse. Lahat ng makakakita sa akin, tinatanong ako kung sino ang parents ko or anong negosyo namin para makasama sa isang table ang mismong nagpa-party. Sinasabi ko nalang na “Invited lang po ako.” saka ngingiti sa kanila at tataikod ng bongga.
“Oh Adelaine! Hindi nga nakasama si Tita Lou, but, you’re here kaya satisfied ako.”
“Thank you po Tita, kaso dapat sa blue band nalang po ako. Iniintriga nila ako kanina pa eh, tanong sila ng tanong kung kaano-ano ko raw po kayo, bakit daw po naka silver band ako.”
“They’ll gonna know the answer later my dear. Just relax and wait. And ofcurse, enjoy the party.” Sinamahan ako ni Tita Aurelia sa aming uupuan at naupo naman ako habang nakikinig sa pure OPM songs na plina-play nila. Hinahanap ko yung fiance-wanna-be ni Alphonse and kung tama ang hinala ko, hindi siya invited. Ang gara ng party, parang hindi sila nagkaroon ng financial and agricultural crisis. Pero hindi rin ako magtataka dahil success ang partnership nila with the investors. Tiningnan ko ang mga burloloy at aba ang gaganda ha. Ang alam ko lang is venue ang inarkila nila pero hindi ko alam kung kasama na ang mga burleles na ito sa binayaran nila. I wear the dress that my mom created just for me.
“Okay ka lang? Mukhang namamangyan ka ha?” biglang may nagsalita sa likod ko. Pamilyar sa aking pandinig.
“Ako? Namamangyan? Hindi no. Talagang likas na sa akin ang umappreciate ng nakikita ko.”
“Talaga lang ha. Pero bakit ako, nasa harapan mo na. Katabi mo uma-umaga. Kasama sa tutorial lessons tuwing hapon. Minsan na kitang na-idate, pero hindi mo parin ako naa-appreciate.”
“Hindi sa hindi kita na appreciate. I do really like you Alphonse. Kung hindi kita na appreciate sa tingin mo ba pababayaan kitang mamatay?”
“You like me? Kung gusto mo ako, bakit mo tinuloy ang paglipat sa Coventry University? Bumalik ka na sa Queen Catherine’s please.”
“Ano ka ba, nakapag decide na ako. Hindi ako pwedeng palipat-lipat ng school. Tatapusin ko nalang ang pag-aaral ko sa Coventry University then I can entertain suitors na.” kinindatan ko siya.
“Ohhh. Okay. Sige, enjoy here and brace yourself.”
BINABASA MO ANG
My Unwanted Prince
RomancePrince, is this even possible? Isang prinsipe bigla nalang papasok at pipilitin ang mag adjust sa Pilipinas? Good Luck nalang sa kanya, Good Luck nalang sa pag-aadjust niya. Pero papaano kung ako pala ang magiging personal tutor niya? Should I give...