Kabanata V: "Bonding"

244 11 3
                                    

***

Ika-limang Kabanata

***

Papasok na ako ng room ngayon dahil ilang minutes nalang, time na. Katatapos lang ng recess kaya halos ng estudyante ay nasa labas ng rooms nila. Absent si Art ngayon kaya naman ang katabi ko muna ay si Jenmark. Pumayag narin ako sa gusto niya na tumabi sa akin dahil baka magtampurorot ang kumag. Pero slight kilig narin. Lahat sila hindi makapaniwala na tinatabihan ako ni Jenmark dahil una, hindi naman ako karapatdapat (we di nga?) pangalawa, wala na pala, isa lang ang dahilan. Para bang ito yung nababasa ko sa mga libro na nabibili ko sa National Bookstore. Ang isang mahirap na babae, laging kasama ay mayayamang lalaki o di naman  kaya ay guwapong lalaki. Iniisip ko narin ngayon kung ano ba ang nakain ni JM at ako ang kanyang pinipiling kasama o di kaya ay katabi. Hindi kaya napipilitan lang siya? O di naman kaya ay habang nagsasagot ako ay palihim siyang kumukopya sa akin. Ewan basta.

            Pagpasok ko sa room ay nakita ko na nakaupo na si JM (short for Jenmark) sa upuan dapat ni Art kaya naman nung nakita niya ako ay kumindat siya sa akin. Umingli nalang ako. Hindi talaga mawaglit sa isipan ko yung mga narinig ko kanina sa baba about kay JM. Gusto ko man siyang tanungin tungkol sa katotohanan, ayaw ko namang masamain niya ang itatanong ko.

“Ahh, JM. Pwede ba akong magtanong?”

“Pwede naman, ano yun?” tugon niya habang nagbubuklat ng notes.

“Wag mo naman sanang mamasamain ha.” Ngumiti siya sa akin. “…Anong nangyari sa inyo ni Marley? I mean is, kanina kasi sa baba, sa corridors, nakarinig ako ng usapan about you and this Marley thingy. Pero kung ayaw mo magsalita, Okay lang.”

“Gusto mo ba talagang malaman?” biglang sinara ni Jenmark ang kanyang hawak na notebook at tumingin sa akin na seryosong seryoso. “Gusto mo ba talagang matuklasan ang sagot sa katanungan mo?” lumapit siya sa akin. Yung parang hahalikan ako. Tssss! Ano ba Adelaida! Ano yang iniisip mo! Erase erase erase.

“S-seryoso ka ba? T-tinatakot mo naman ako eh” shet namamawis na ako.

“Nagtanong ka, eh di sasagutin ko.” Sana pala di nalang ako nagtanong. Nakakatakot. “JOKE! Hahahahahaha! Ano kaba, bakit ka naman matatakot. Mamaya, lunch, sa canteen dun ko kwekwento ang lahat. Andyan na kasi si Prof ohh. Nakatingin sa atin” tiningnan ko at nasa unahan at nakatingin silang lahat sa akin. Nakapameyawang pa ang teacher namin.

“Hehehehehe. Peace.” Nag peace sign ako sa teacher namin. Buong period akong hindi makatingin kay JM dahil sa kahihiyan ko kanina. Perstaym ko ata pagpawisan sa harap ng napakaguwapong lalaki no. Wapoise. After ng class namin, lumabas ako ng room at nagpunta muna sa Restroom.

            Pagkatapos ko mag personal necessity, chos, pinuntahan ko na ang canteen para mag lunch at makipagkwentuhan (makipaglandian sa mata at isipan ng mga malalanding kaklase namin) kay JM. Hinanap ko si JM at napako ang mata ko sa kumpulan ng mga lalaki sa may right side ko. Ibbaaling ko na sana sa iba ang tingin ko ng makita ko kung sino ang nasa gitna, si JM. Lumapit ako sa kanila at sinigawan ang mga lalaking nakapalibot sa kanya.

“Hoy, Hoy! Itigil nyo na nga yan. Ano ba?” pinipilit kong alisin ang kamay nila kay JM pero tinapon lang nila ang patpatin kung katawan kaya nadapa ako. “Aray ko! Ano ba? Sabing tigilan nyo na si JM eh!”

“Mga pare, meron ng lady in the shining shimmering armor na tutulong kay Prinsesa JM. HAHAHAHAHAHA!” sigaw ng lider lideran nila.

“Oh talaga tol? Asan?” nagsigasigaan kunwari ako, ginagaya ko si Vice Ganda pag pumapunchline at syempre inaasar ko siya. Kala mo magpapatalo ako ha? Peklat mo! Napatameme naman ang bruha sa inasal ko.

My Unwanted PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon