Kabanata: "Romantic Kiss"

208 5 0
                                    

***

Ika-dalawampung Kabanata

***

[Adelaine]

Narito ako sa quadrangle ng campus namin habang nagsusulat ng aming business proposal (na project) at kenakailangan na itong ipasa bukas ng umaga. Ilang araw pagkatapos ng party, ayon medyo sinusuklay ko parin hanggang ngayon ang aking suklay sa sobrang haba. Ilang araw narin kaming nag-uusap sa text ni Ryan and pag may time siya ang sumusundo sa akin and nililibre ako sa mga ay teka, eto pa. Nakain na siya sa mga karinderya. Nakakakain na siya at mas matakaw pa sa akin. Siguro nakakadalawang kanin siya at dalawang takal ng ulam. Yung mga nakikikain naman, ayun hindi na makakain dahil nakatitig lang sila sa kanya at pinagmamasdan ang bawat nguya.

So balik tayo sa B.P, habang sinusulat ko ang proposal ay dumating narin ang aking katuwang sa proyektong ito, si Rachelle, my new friend. Kapangalan ni Mama kaya naman positive vibes ako sa kanya. Hindi siya palakibo, walang kaibigan and lonely. Kaya I offer friendship to her since parehas kaming laki sa hirap, well more on yung kanya. Dala dala niya yung binili niyang burger sa canteen and 2 cans of coke, nilibre ko siya pero siya ang nagpresintang bumili.

            “Dapat pala Ade yung ating presentation noong Monday, yun nalang ang ginamit natin ngayon. Parehas din lang naman iyon eh. Papalawigin lang natin yung mismong proposal at yung adjectives para iwas abala at stress. Kanina ko lang siya na-realized noong hawak ko na yung folder. Hay.” Diba? Parang robot ang babaeng ito. Sobrang talino at malawak ang pag-iisip.

            “Pwede din naman eh, kaso ang problema, baka may naka gawa na noong presentation natin. Diba sabi ni Sir eh perfect daw yun, so maaaring may ibang group na ang ginamit yung presentation natin lalo pa’t alam nila na hindi yun at nag back to zero tayo.”

            “Sabagay. Basta, tulungan nalang tayong dalawa para matapos natin ito before 5:00. Buti nga at pinahiram ni Sir Pagotan ang kanyang time para derechong 8:00 ng umaga hanggang 12 ng tanghali ang free time natin diba?” tugon niya habang nginunguya yung burjer.

            “True. Well, hindi naman siya ganoong kahirap magpa-project kaya siguro pinahiram nalang niya yung time niya for us. So tara, tapusin nalang natin ito.”

Nguya dito, Nguya doon. Type dito, Type doon. Hindi na namin namalayan na nasa harapan na pala namin si Conrad. Nakatingin sa amin habang nagsusulat sa kanyang Student Diary at tinatapos ang assignment. Buti pa nga sila eh, tapos na sa Business Proposal, samantalang kami eto, parang pinagsakluban ng buong langit at lupa sa sobrang hirap.

Ngawit na ang kamay ko kaka-type.

            “And we’re D-O-N-E!” sigaw ko habang binitawan ang huling letra sa laptop. Grabe naman ey.

            “Sana naman magustuhan ni Sir yang gawa natin.”

            “Aba naman, mahigit 120+ ito tapos rereject lang niya. Aba maihahampas ko sa pagmumukha niya itong 120 pieces ng bond paper at laptop na ito.”

            “At kanino  mo ihahampas ang netbook na iyan?”

My Unwanted PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon