***
Ika-apat na Kabanata
***
[Adelaine]
TATLONG buwan nakalipas nang nagsimula ang pasukan, minamasdan ko ang mga galaw at pag-aadjust ni Alphonse sa kanyang bagong mundo. Medyo hirap siya sa pag-aaral ng wikang kanyang inaaral lalo na at minsan nabubulol siya sa pagsasabi ng mga mahahabang salitang tagalog. Ilang araw ko rin siyang nakikita na lasing pag pumapasok. Ayaw ko namang isiping nag rerebelde ang isang prinsipe na katulad niya dahil nasa wastong gulang narin naman siya para magdesisyon sa sarili niya, pero kunsensya ko ‘pag may nangyaring masama sa kanya. Minsan natutulog siya sa klase pero minsan naman ay matino siya na nakikinig at nasagot sa mga tanong sa klase. They said na nag-rerebelde daw ito si Alphonse gabi-gabi dahil ngayon lang naging malaya ang prinsipe sa poder ng kanyang mga magulang na todo bantay sa kanya. Pero nagtataka ako, diba prinsipe siya? Pero bakit pinapabayaan siya ng mga magulang niya na walang bantay at isang driver lang ang kasakasama sa bahay. Nagtataka lang ako kung bakit parang maluwagluwag siya sa ibang salita na tagalog. Pero habang nagtututor lessons ako sa kanya this past months, lagi siyang excited umiwi. Hindi naman niya napapabayaan ang pag-aaral niya but still, it’s addiction and he must learn to control it or else, kapahamakan ang kanyang kahahantungan, sa morgue ang kanyang kapupulutan.
Kinahapunan
Habang nagtututor class kami, hindi ko napigilan ang madaldal kong dila na magtanong na hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya.
“Alphonse, tanong ko lang. Why do you drink alcoholic drinks, eh you’re still young pa naman?”
“Don’t keep your eyes on my actions for I don’t care about yours. Just tell me what to do and shut your mouth up.”
“Okay.”
Sa araw-araw sa ginawa ng Panginoon, lagi nalang akong nakakatikim ng kanyang hagupit. May mga araw na pag hindi niya naiintindihan ang tinuturo ko, pinipilit ko mang iexplain in pure English, di parin niya maintindihan kaya naman nakakatikim ako ng mga naghuhumindik niyang masasakit na salita. Hindi ko naman siya masisi dahil mahirap sa isang banyaga ang matuto ng tagalog lalo na’t priority niya ang studies. Mahirap pagsabayin ang assignments sa klase sa pinapagawa ko kaya minsan, nag-eextend ang oras ng tutor class para turuan siya sa mga lessons namin sa buong araw. Hindi naman ako makaiyak lalo na pag napapasobra ang kanyang pananalita dahil siya ang may-ari nito ang maaaring patalsikin niya ako sa isang pagkakamaling galaw ko.
May mga oras nga na pagkatapos ng klase, naglalakad akong naiyak dahil may mga pagkakataon na ako ay dinuduro duro pa ni Alphonse. Kay Jenmark ko nalang nilalabas ang aking sama ng loob at laging nakaalalay sa akin pag nagkwekwento ako. Minsan nga nagtataka rin ako kung bakit hindi ko magawang iwan ang katulad niya. Sa tingin ko nga ako lang ang may lakas ng loob na turuan siya ng tagalog dahil walang makakatagal sa kanyang ugali na reklamador at maraming dinadala sa buhay.
Tatlong araw ang nakalipas
Ilang araw na akong nag-aalala dahil yung tinututuran ko ay hindi pumapasok at hindi manlang nagpaparamdam. Iniisip ko tuloy na baka napaaway na siya at baka may masama nang nangyari sa kanya sa kakainom nito. Hindi ko na napigilan at tinanong ko ang principal kung saan ba nakatira ang tutor ko. Sinabi ko ang dahilan kung bakit ko tinatanong, at nang marinig niya na valid ang reason ko, binigay nito sa akin ang tirahan ni Alphonse.
Pagkarating ko sa subdivision na tinitirahan ni Alphonse, agad akong nag-doorbell at ang bumungad sa akin ay isang driver.
“Hello po, ako po si Adelaine Rose T. Santos at ako po yung personal tutor ni Alphonse. Pwede ko po bang malaman kung bakit siya absent?”
“Nako hija, buti nalang dumating ka, tatlong araw na kasing nagkukulong si Sir Alphonse sa loob ng kwarto niya at hindi nakain. Papaano po ba naman, noong isang araw lang, lasing na lasing na umuwi si Ser ng alas kwatro ng madaling araw at hanggang ngayon, hindi parin nalabas ng kwarto niya. Takot naman po kami na pumasok dahil naglagay siya ng note sa pintuan na bawal daw siya istorbohin. Gustohin ko man pumasok, pero baka magalit si Sir at mawalan ako ng trabaho.”
“S-sige po ako na po bahala sa kanya.”
Pinuntahan ko kasama yung driver ni Alphonse ang kwarto nito at pagkatapos ay hiningi ang susi sa katulong na nagtatago ng lahat ng susi. Tiningnan ko ang buong kwarto at nakita kong nakahandusay si Alphonse sa may banyo. Hawak niya ang isang lalagyan ng pills. Sleeping pills. Tiningnan ko kung may pulso pa, meron pa naman kaya nagpatawag ako ng mga tutulong sa akin na buhatin si Alphonse at dalhin sa pinakamalapit na ospital.
Sabi naman ng doktor na okay naman daw ang kanyang lagay pero nangangayayat daw ito dahil sa gutom at uhaw. Kung ‘di raw namin natagpuan agad si Alphonse at pinatagal pa ang kanyang sitwasyon, baka raw lumala ang lagay niya.
Binantayan ko si Alphonse magdamag at bigla nalang akong nagising dahil sa isang ingay na aking narinig.
“Ma, please, please, don’t leave papa Mom! Please!” Para akong natulala habang tinitingnan si Alphonse na naiyak. Tumindig ako sa sofa at nilapitan siya.
“Shhhh. Nananaginip ka lang. Okay lang yan, everything will be alright.”
“Pa, please, I love you Pa, do you love us? Why' are you still keeping your mistresses? Don't you love us?”
“Shhhh.” Naiiyak narin ako dahil nabanggit niya ang papa at mama niya. Naalala ko ang mga panahong si Tita Lou lang ang kasama ko sa buhay. I never experienced the love of a mother or a father kasi maaga silang kinuha ni Lord ng sa ‘di malamang kadahilanan. Bakit kailangang gawing kabit ng papa ko ang mama ko. Nakatulog narin si Alphonse habang ako naman ay bumalik sa pagtulog ko.
Kinaumagahan
Nagising nalang ako na nanonood ng TV si Alphonse kaya naman bumangon agad ako para magmumog muna bago natanong sa kanya.
“Alphonse? Are you okay na ba?”
“Why?” Serious tone niya habang naglilipat ng channel.
“Kasi kagabi, habang natutulog ako, may narinig akong naiyak, nakita kita na tinatawag mo ang pangalan ng Mom and Dad mo kaya pinatahan kita. Ang cute mo nga eh. Para kan—”
“DON'T YOU DARE SAY EVEN A SINGLE WORD” Bigla naman akong natahimik sa sinabi niya kaya naman sa halip na magsalita pa ako ay lumabas na ako ng ospital at napagdesisyunang umuwi para hindi na ako mapagbuntunan ng galit niya. Habang nakasakay ako sa taxi na pinara ko sa labas, tiningnan ko ang oras, alas sais na ng umaga kaya mahaba pa ang oras ko para makahabol sa klase.
Nang marating ko ang dormitoryo, nagmano ako kay Tita Lou na nagdidilig at pinaliwanag sa kanya kung bakit ako hindi nakauwi kagabi. Naintindihan naman daw niya ang nangyari, pero sa susunod matuto raw akong tumawag. Naligo muna ako at nagbihis bago umalis papasok ng room, pero, kumain muna ako para naman malamnan ang sikmura ko.
BINABASA MO ANG
My Unwanted Prince
RomancePrince, is this even possible? Isang prinsipe bigla nalang papasok at pipilitin ang mag adjust sa Pilipinas? Good Luck nalang sa kanya, Good Luck nalang sa pag-aadjust niya. Pero papaano kung ako pala ang magiging personal tutor niya? Should I give...