***
Ika-labingisang Kabanata
***
[Adelaine]
Habang naglalakad kami ni Alphonse, hindi mawaglit sa isip ko ang ginawa nung fiance niya. Gusto ko na sanang sabihin sa kanya na, baka pwede munang umiwas kami sa isa’t pero sa tuwing sinusubukan kong magsalita, hindi ko magawa.
“Alphonse, salamat nga pala sa pagtatanggol sa akin kanina ha. Hindi mo naman kailangang sigawan ng ganoon ang fiance mo.”
“Adelaine, she’s so rude, and rude people deserved to be treated the way she did. I won’t let her treat you like a dog while she’s acting like a tiger.”
“Alam ko naman yun Alphonse, pero, sana naman huwag mong samantalahin ang kanyang kahinaan. Alam mo namang gustong gusto ka niya kaya’t kinakaya kaya mo siya. Pwede mo namang pakiusapan, in a good way. Okay?”
“Okay. But next time, learn to protect yourself against those kind of persons. Not most of the time kasama mo ako.” He said while holding my hands. I smiled to him.
“Okay fine. I do really appreciate it. First time atang pinagtanggol ako ng bonggang bongga ha! At dahil may pera ako today, treat kita.”
“But, mag gagabi na oh! I don’t want you to be scolded.”
“Nako! Isang tawag lang kay Tita Lou at sabihing ikaw ang kasama ko, baka kahit hanggang alas diyes ng gabi, papayagan ako eh. Just relax, enjoy and let’s eat together. My treat!”
Pumunta kami sa pinakamalapit na amusement park. Ako na sana ang magbabayad ng entrance fee namin kaso nagpumilit siya na ako na raw sa rides, food etc. pero sa entrance fee, siya na raw. He usually pay for his date when he’s still single and dating every girl she wants pero hanggang doon lang daw. Pagkabayad niya ng entrance fee, binigyan kami ng isang couple t-shirt at sumbrero. Meron ding stuffed toy na malaki! Take note, dalawa. Kami raw ang 1111 pair na pumasok sa amusement park at hindi lang doon natatapos ang aming gift, lahat ng rides na sasakyan namin, free. Mayroon ding food na binigay. Napag-isip isip ko na, para ding hindi ako gumastos. Sayang lang ang pagyayabang ko sa kanya kanina, PURO LIBRE EH!
“Art! Huhubadin ko nalang yung couple t-shirt. Hindi ako kumportable eh.”
“No, if you didn’t wear it, hindi na valid yung libreng rides. Sayang naman.” Nagpacute siya, yung mata niya parang mata ng pusa.
“Sige na nga! Pa-cute ka pa.”
“Huh? Napipilitan ka lang ata eh. Sige okay lang.” naglungkot-lungkotan ang baliw oh. Sungkitin ko mata mo eh! Chaross!
“Oo na, hindi ako napipilitan ha! Wag kang O.A”
“Sus, sabihin mo lang, iniisip mo na sayang naman ang pagkakataon. You took the opportunity ika nga! Kasi sino nga naman ang mas swe-swerte pa sa’yo, ang ka-date mo, ako. Isang guwapong prinsipe and take note, pinagkakaguluhan ng lahat.” Nilamusak ko ang mukha niya.
“Hoy! Ang kapal ng mukha mo ha! Hindi ako isang host ng T.V show, wag kang engeng. Tsaka hindi hamak na mas guwapo naman yung dati kong crush kesa sa’yo no!” joke lang po yun, marangal at malinis po akong babae, di po ako pakawala at malandi. Wala po akong crush noon.
BINABASA MO ANG
My Unwanted Prince
RomancePrince, is this even possible? Isang prinsipe bigla nalang papasok at pipilitin ang mag adjust sa Pilipinas? Good Luck nalang sa kanya, Good Luck nalang sa pag-aadjust niya. Pero papaano kung ako pala ang magiging personal tutor niya? Should I give...