Kabanata XV: "Savior"

178 6 0
                                    

***

Ika-labinglimang Kabanta

***

[Adelaine]

NAGLALAKAD ako papasok ng campus dahil pasukan na naman. Tapos na kasi ang Christmas break eh. Masaya naman ang naging celebration namin ni Tita Lou. Bumiyahe kami papuntang Taiwan at doon nag stay for 5 days sa isang mamahaling hotel. Ang maganda pa doon ay mayroong isang kafederasyon si Tita Lou noong naraket ratket pa siya sa mga comedy bars na doon na nagtratrabaho at mayaman kaya ayun siya ang nagmistulang tour guide namin sa Taiwan. Maraming tao pala doon lalo na pag gabi tsaka ang mga naglalakihang LED screens na kumukutikutitap ay doon  mo makikita. Syempre hindi ako nakalimot ng pasalubong. Hinahanap ko ngayon si Jenmark eh kasi sabi niya pupunta raw siya dito sa Coventry University ngayong umaga.

Dito naman kami nag bagong taon sa Pearl of the Orient, PHILIPPINES! Lakas maka Miss Universe ang peg eh no? Muntikan pa nga kaming maubusan ng paputok dahil itong si Tita Lou inuna pa ang pakikipagdaldalan sa kanyang pinsan sa Skype kaya ayun inabot kami ng alas diyes sa daan. Buti nalang kamo at may mga tindahan na hindi masyadong nakabenta at umaasa na may bibili pa kahit dalawang oras nalang ay bagong taon na. Mula sa natirang pera from Taiwan, bumili kami ng mga fireworks na magkakaibang shots, may 16 may 8 at syempre kwitis. Hindi rin nawala ang aming pagkain for 2 of us na ako ang nagluto. May spaghetti na pampahaba ng buhay, may graham balls, may konting pancit din na long life extension pack ang dala at ang kontra sa pancit at spaghetti na pampaextend ng buhay to the max na tinadtad na lechon. Dinalaw din namin si Mama at Papa sa puntod after ng bagong taon at duon ulit kumain ng bongga sa mga natirang pagkain.

Considered na hindi ko na raw kailangang umulit ng 4th year dahil sa tingin daw nila is kaya ko namang mag adjust sa mga naibang or nahuli kong lesson kahit 4 months nalang Graduation na namin. Base daw sa Grades ko from the 1st semester and kalahatian ng 2nd semester, mataas daw ang grades ko at binigyan nila ako ng consideration dahil narin topnotcher ako ng entrance exam  sa kabilang school.

Habang naglalakad ako, nakarinig ako ng hiyawan mula sa mga estudyante, tiningnan ko naman sila at nakita ko kung sino ang hinihiyawan nila.

“Alphonse?”

           

            Naglalakad siya na naka uniform pa ng Queen Catherine’s papalapit sa akin. “Hey.”

            “Ah, Hello. Anong ginagawa mo dito?”

           

            “I just want to say that I do really like you. Araw-araw palakas ng palakas ang impact mo sa akin Adelaine. Gusto ko lang sabihin na, sana bigyan mo ako ng chance na ipakita sa’yo at iparamdam na sincere ako at talagang Mahal kita.”

            “Alphonse, ganito na ba ulit tayo? Ayaw ko na Alphonse. Kaya nga ako kusang lumipat para mapalayo sa’yo tapos ikaw itong lapit ng lapit. Ano ba talagang gusto mong mangyari, itakwil ka ng pamilya mo? Ikaw ang crowned prince at malaki ang nakaabang na responsibilidad na itutuon sa’yo.”

            “I know, I know, pero kaya naman nating lagpasan ang long distance relationship eh. Basta walang ibang papasok sa ating dalawa, kaya nating lagpasan ang LDR.”

            “LDR. Isa pa yan, papaano ka nakakasigurado na wala kang ibang magugustuhan doon sa bansa mong ibang babae at wala akong ibang magugustuhan dito sa Coventry University? Una, magkaiba tayo ng bansa, Pangalawa, magkaiba tayo ng school, Pangatlo, ayaw sa aking ng Nanay mo at Pang-apat, may fiance ka na. Tadhana na ang naglalayo sa atin Alphonse kaya please lang, tigilan mo na ako. Ayaw ko na ng gulo.” Tumalikod ako sa kanya at naglakad.

My Unwanted PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon